Hindi na pinansin pa ni Ricardo ang mga sinasabi ng dating kasintahan. Mahal na mahal pa niya ito pero hindi na pwedi dahil nariyan na si Elaiza at di niya pweding sasaktan ang asawa. Isa pa, sinaktan na siya ng labis ni Melanie at ipinagpalit dahil mahirap lang siya noon.
Iniwan ni Ricardo si Melanie sa may gulayan na umiiyak. Napaaga tuloy ang pag-uwi niya dahil kay Melanie. Pag-uwi ni Ricardo galing sa paglilibot ay sinalubong naman agad siya ng kanyang asawang si Elaiza.
" Mahal, napaaga 'ata ang pag-uwi mo." Tanong ni Elaiza at humalik agad ito sa kanyang labi saglit.
"Gusto ko lang na maagang uuwi ngayon, mahal." Tugon ni Ricardo sa asawa.
Ayaw niyang sabihin kay Elaiza ang tungkol sa pagkikita nila ni Melanie. ayaw niyang mag-isip ito ng hindi maganda.
Habang masayang nag-uusap sina Elaiza at Ricardo sa Living Room ng Villa ay lihim naman silang pinagmasdan ni Paulo nang ito'y dumaan. Inggit na inggit si Paulo dahil pag-aari ni Ricardo si Elaiza, nagkagusto kasi talaga ito sa asawa ni Ricardo at ang higit na naiinggitan nito ay ang pagiging tagapagmana ni Ricardo sa mga kayamanan ng amaing Si Don Manuel Saavedra. Lihim itong nagngitngit kung bakit wala itong mamanahin sa amain na kung iisipin ay mas nauna pa nga ito kaysa kay Ricardo.
" Paulo.. iho?" Nagtatakang pansin rito ng inang si Senioria Teresa. Nakita at naabutan kasi nitong lihim na nagmamasid ang anak kina Ricardo at Elaiza.
" Yes, mommy?" Sabi pa ni Paulo.
"Bakit mo pinagmasdan ang mag-asawang yan?" Tanong ng Ina.
"Napakaswerte ni Ricardo, Mommy. Bakit di nalang ako ang unang nakatagpo kay Elaiza?" Sabi pa ni Paulo sa mahinang tinig nito.
Nanlaki pa ang mga mata ni Seniora Teresa sa sinasabi ng anak.
" What do you mean??" Salubong ang kilay na tanong ni Seniora Teresa.
" I feel inlove his wife." Sabi ni Paulo.
" What?? Oh, my god. Sa dami ng babaeng nakasalamuha mo at nakilala mo ay pati si Elaiza ay magugustohan mo?" Mahinang tanong ni Seniora Teresa sa anak.
" Yes, dahil maganda siya at napaka sweet niya. Gustong-gusto ko si Elaiza, Mommy." Sagot ni Paulo.
" Oh, no. Pero asawa siya ni Ricardo." Ani Seniora Teresa .
" Yun na nga eh, napaka swerte ni Ricardo, Asawa pa niya ang tulad ni Elaiza at magiging tagapagmana pa siya lahat ng mga ari-arian ng asawa niyo." Tugon ni Paulo.
"Calm down, Son. Yun ang hindi ko mapapayagan sa huli na lahat mapupunta sa kanya. Kailangang mahatian ka rin ni Ricardo sa mga mamanahin niya." Sabi naman ni Seniora Teresa.
Hindi naman naitago ni Ricardo ng matagal kay Elaiza ang tungkol sa pagpapakita ni Melanie at pagpupunta nito sa kanya. Nasasaktan si Elaiza nang malaman sa iba ang tungkol sa pag-uusap nina Melanie at ng asawang si Ricardo. Kaya agad na kinausap ni Elaiza ang asawa.
" Ricardo, bakit mo itinago sa akin ang pagkakausap at pagkikita niyong muli ni Melanie? may nakapagsabi sa akin na may nakakausap kang babae na nagngangalang Melanie at ito'y umiiyak na nagmamakaawa sa'yo." Nagsisikip ang dibdib ni Elaiza na tanong niya sa asawa.
Natatakot siya na baka madala si Ricardo sa pagpapaawa ni Melanie. Alam niya kasi kung gaano ka mahal ng asawang si Ricardo si Melanie. Natigilan naman si Ricardo sa mga sinabi at sumbat sa kanya ng Asawa. Hindi niya akalaing makakarating talaga sa asawang si Elaiza ang pagkikita at pag-uusap nila ni Melanie.
" Mahal, I'm sorry. Hindi ko gustong masaktan ka at mag-iisip ng hindi maganda kaya hindi ko sinabi sa'yo na pinuntahan ako ni Melanie at kinausap. Pero sinabi ko na sa kanya na nandito kana sa buhay ko at hindi na pweding ibalik ang lahat dahil may asawa na ako at ikaw yun kaya huwag kang mag-alala, mahal." Sabi ni Ricardo at niyapos at hinalikan siya saglit ng asawa sa labi.
" P-pero, pero alam kong mahal na mahal mo siya.." Hindi napigilang umiyak si Elaiza dahil sa kanyang takot na baka madala at mawala sa kanya ng tuloyan ang asawa.
Kilala pa naman niya si Melanie, alam niyang kukulitin nito ang asawa niya lalo na't mayaman na si Ricardo.
" Elaiza, Wala na kami ni Melanie, nang iwanan niya ako ay doon na nagtapos ang lahat at hindi na kita ipagpalit pa sa kanya. Kaya please... huwag kang mag-isip ng hindi maganda, mahal. Yan lang ang sisira sa pagsasama natin, ang mga negatibo mong iniisip." Ani Ricardo sa kanya.
" Hindi ko alam, Ricardo, kung anong mangyari sa akin kung babalik ka kay Melanie, siguro ikakabaliw ko yun kung mangyari man yun." Patuloy na wika niya rito.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan.. mahal na rin kita, Elaiza." Sabi pa ni Ricardo at kinuha ang kanyang isang kamay at mahigpit na hinawakan iyon nito pagkatapos ay hinalikan.
" I love you my wife.." Malamlam ang mga matang wika ni Ricardo sa asawa.
" I love you more, Ricardo." Tugon naman niya na kahit naroon parin ang pag-alala at kaba sa kanyang dibdib.
Pagkalipas ng ilang araw ay hindi naman inaasahan ni Ricardo na patuloy ang pagpupunta at pangungulit sa kanya ni Melanie. Ngunit ilang beses din niya itong pinagtatabuyan. Ang ikinatakot lang ni Ricardo ay baka makarating na naman sa asawang si Elaiza ang patuloy na pangungulit at pagpupunta sa kanya ni Melanie sa tuwing siya'y maglilibot sa buong hacienda upang mang check sa mga ginawa ng mga tauhan. Meron naman siyang kanang kamay sa kanyang pamamalakad sa Hacienda dahil di naman niya kakayanin sa dami ba naman na obligasyon. Sobrang dami ng produktong itinanim rito, Maliban sa mga malawak na gulayan at prutasan ay may ilang hectares pa ito na tinaniman ng mga niyog na hitik lagi sa mga bunga at iba pang produkto na mapagkakakitaan ng Hacienda kaya maraming tauhan si Ricardo sa Hacienda nila. May 1,000 na mga kabayo ang hacienda maliban sa mga anak at may 700 na mga kalabaw, 3,000 na mga baka at 5,000 na mga kambing at may 2,500 na mga karnero. Kaya araw-araw niyang check ang mga tauhan kahit may taga check naman din siya ay tumulong na rin siya, boring din kasi kung wala man lang siyang ginagawa. Nasanay nga siya sa pagpapawis. At heto naman si Melanie, araw-araw din nakaabang sa kanya sa tuwing siya'y maglilibot. Pero ginawa niya naman ang lahat na hindi madadala sa babaeng iniibig niya talaga. Masakit man pero hindi na sila pwedi pa ni Melanie.
At sa araw na iyon ay naroon na naman si Melanie. Nagdala ito ng adobong paborito niya. Lagi kasi siyang nilutoan ng adobo ni Melanie noong sila pa nito. Dahil favorite niya ang lutong adobo nito.
" Ano ba, Melanie? itigil mo itong kahibangan mo. Ayokong makarating sa asawa ko ang pagpupunta at pag-aabang mo lagi rito." Galit at inis na wika ni Ricardo rito.
Ayaw niyang madala siya ni Melanie. Natatakot siya na baka di niya mapigilan ang sarili na patulan ito dahil mahal pa niya ito.
"Ricardo naman, bakit ka matatakot?? Mayaman ka, kung natatakot ka na malaman ni Elaiza ay papayag lang naman ako na itago mo, pwede tayong maging masaya ng lihim Ricardo, pwede tayong magsama sa Siyudad. Pwede tayong mag condo roon at lihim na magsasama. Papayag akong maging kabit basta muli ka lang makakasama. At huwag kang matakot, Yung ibang mga mayayaman nga ay double Ang kanilang kinakasama maliban sa asawa nila. Kung mahal mo pa ako ay pumayag ka sa gusto kong mangyari. Mag-iingat lang tayo na Hindi malalaman ni Elaiza. Please.. I miss you so much, babe.." Umiiyak na wika ni Melanie sa harapan ni Ricardo.
"What?? ganoon ka na ba ka disperadang, Melanie?" Di makapaniwalang wika ni Ricardo.
" Yes, dahil mahal na mahal kita at pinagsisihan ko talaga ang lahat na ginawa ko sa'yo mayaman o mahirap ka man ngayon ay talagang babalik ako sa'yo, Ricardo. Please.." Pagmamakaawa pa ni Melanie.
"Tigilan mo ako, Melanie." Sabi ni RicArdo na kahit gustong gusto na niyang bumigay sa dating kasintahan.
" Bukas, maghihintay ako sa'yo sa aming bahay at pag-uusapan natin ang tungkol sa ating dalawa. Basta, papayag lang ako na ibabahay mo ng lihim, Ricardo. Maging maligaya tayo at maging masaya ng lihim. Kung hindi ka darating bukas ay hindi mo na ako makikita pa, Ricardo at baka pagsisihan mo ang lahat na binalewala mo ako, dahil alam kong hindi mo parin ako basta-bastang kakalimutan. Paligayahin kita sa lahat ng Oras na gusto mo, at Hindi mo pagsisihan ang lahat, Ricardo ." Mahabang wika ni Melanie at patuloy na pang-aakit kay Ricardo.
Napatigil si Ricardo at napatitig sa mukha ni Melanie. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil mahal na mahal parin niya si Melanie. Bigla tuloy siyang nagulohan sa offer ngayon sa kanya ni Melanie na magsama sila nito ng lihim. Tinalikuran niya ito at hindi sinagot ngunit muli siyang natigil nang muli itong magsalita.
"Maghihintay ako, Ricardo." Sabi pa nitong muli sa kanya.
Napabuntong-hininga siyang patuloy na itong tinalikuran. Naiwang napangiti si Melanie. Alam nitong di siya matitiis ni Ricardo dahil alam nito kung gaano siya kamahal nito noong sila pang dalawang magkasintahan. Mapapasakanya ding muli si Ricardo at gagawin niya ang lahat na di siya iiwan nito lalo na't isa pala itong heredero at sobrang yaman ng angkang pinanggalingan. At si Elaiza ay sisiguraduhin niyang maitsapwera ito ni Ricardo. Kasalanan nito dahil sumingit ito sa kanilang pagmamahalan ni Ricardo.