“HUWAG NA KAYONG umalis na kayo lang. Simula bukas, magdadagdag ako ng securities dito sa bahay. Thea, asahan mong may bodyguards ka na,” sabi ni Tito Arquil. “D-Dad, so ew,” sabi ni Thea. “You have no choice. Gusto mong mapahamak ka dahil sa kaartehan mo?” inis na sabi ni Tito. Inakbayan ko si Thea at marahan na pinisil ang kanyang braso. “Para sa kaligtasan natin ito. Nag-aalala lang ang Daddy mo sa iyo.” “Ate, pero feeling ko ay ikaw lang naman ang sinusundan ng lalaki. Nakita naman iyon sa CCTV, ‘di ba?” sabi ni Thea. Napabuntonghininga ako. Kumpirmado nga na may sumusunod sa amin. But I should have said that more on to me. Ako talaga ang pakay nila. Dahil noong tumakbo si Thea, hindi nila ito sinundan. At hindi lang pala dalawa ang sumunod sa akin kung hindi apat na lalaki. Sa t

