“T-TITO,” NAUUTAL NA sambit ko. Napabuntonghinina si Tito. “S-Sino ka ba talaga?” “Tito, let me explain,” sabi ko. Habang tinutingnan ang mukha ni Tito, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangilid ang luha sa mga mata sa labis na kaba. I did not expect na ganito kaaga niya malaman ang sekreto namin ng pamilya ko. Wala na akong lusot dito. Narinig niya ang pinag-uusapan namin nila Daddy. Nang tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko, agad ko itong pinunasan. Hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan ang pagpaliwanag. Pinangunguhan na ako ng kaba. Natatakot ako at baka magagalit siya sa akin. “Tama nga ang hinala ko na anak ka ni Helga,” aniya. Napatango-tango na lang ako habang hindi mapigilan na manginig ang mga tuhod ko. Ito na talaga ang oras para aminin ko sa kanya ang to

