“Tito, gusto ninyo ako kay Mira ko?” tanong ni Atlas. “Amira, Atlas. Siya si Amira,” sagot ni Daddy. “Pero nasanay na ako sa Mira.” “Pero hindi siya si Mira,” nakangiting sagot ni Daddy. “Ang panget magbago ng tawag. Naiinis ako,” sagot ni Atlas. “Pero bawal ka mainis sa akin dahil ako ang magiging biyenan mo. You should treat me as your second father.” ”Hindi po kita Daddy, Tito,” giit ni Atlas. “Pero ganoon dapat ang gagawin mo dahil mapapangasawa mo ang anak ko. Sa filipino culture, kapag ikinasal na tayo. Magiging pangalawang magulang na natin ang magulang ng mga asawa natin. Papa, Daddy, Mommy, Mama, na rin ang tawag natin sa kanila.” Napakunot ang noo ni Atlas. ”Talaga?” “Tatanungin kita. Ano ang tawag ni Arquil sa ina ng mommy mo?” Napanganga si Atlas. Hinawakan ko naman

