PAGDATING NAMIN SA hospital ay agad isinugod sina Kuya at Tito sa operating room. Tatanggalin lang ang bala na tumama sa kanila. Walang tigil naman ako sa pagdarasal na sana walang mangyari sa kanila. Maliban sa kanila, isa sa pinoproblema ko ay ang mahal ko. Hindi pa siya nagising simula nang sinugod kami rito sa hospital. Natapos na rin linisan ng mga doctor ang pinsala na natamo ni Daddy. Nakapag-CT scan na rin ako para masigurado na walang namumuong dugo sa ulo ko. Gawa sa metal ang baril na pinukpok sa ulo ko kaya mas mabuting masuri talaga ito. Bukas ko pa makuha ang resulta at makapaghihintay naman ako. Malaki naman ang kumpiyansa na walang masamang nangyari sa akin. Naka-confine kami nina Daddy at Atlas sa isang room. Hiniling ko talaga iyon para may kasama ako rito. Si Tita Che

