Pagpapatuloy ni Tita Cheska sa kanyang sasabihin, “Dahil sa iyo ay nasira ang buhay ng inaanak mo! Ang mahal kong anak! Saksi ka sa paglaki niya, hindi ka talaga kinain ng konsensiya?” “Kung may makonsensiya man sa atin, ikaw iyon! Ikaw ang nagsabi sa akin na patayin ko si Helga!” “Galit lang ako noong gabing iyon dahil sa ginawa sa akin ni Arquil! Pero noong sumang-ayon ka, anong ginawa ko!? Pinaghahampas kita dahil wala sa lahi namin ang mamamatay tao! Kilala mo ang pamilya namin, kahit makapangyarihan kami, hindi kami mapang-abuso! Kaya ikaw. . . wala kang karapatan na isisisi sa akin ang nangyari kay Helga dahil ikaw ang may gusto niyon dahil baliw ka!” “B-Bakit mo iyon ginawa kay Mommy? Dahil sa umaasa ka na mapasaiyo si Tita Cheska? Mahal mo siya pero pinagmumukha mo na siya ang m

