Naka-tingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin kung saan kitang-kita ang bawat parte ng suot kong puting wedding gown, habang ang sarili ko ay hindi ko na makilala sa sobrang ganda ng pag kaka-ayos sa mukha ko. Ito na ang araw kung saan walang kasiguraduhan ang pwedeng mangyari, ang araw na inaasam ko at matagal kong pinangarap. “Ang ganda ko,” puri ko sa sarili ko bago hinawakan ang parte ng bewang ko, buti na lamang ay nag kasya pa ang wedding gown ko at nag lagay sila ng konting adjustment. “Maganda ka naman talaga kahit hindi ka naka-ayos pero mas maganda ka sa araw na ‘to.” Napa-ngiti ako sa bagong pasok. Si Dylan. “Akala ko hindi ka makaka-punta?”

