Pag bukas ng malaking pinto ay kasabay ng pag umpisa ng kanta sa loob ng simbahan, Maraming tao na halos ng mga ‘yon ay mga ka-trabaho at mga iba naming kaibigan. Ang buong paligid ay napu-puno ng kualy Pink, itim at puti na pinag-sama katulad ng lagi naming usapan dati. Napa-ngiti ako, ang usapan namin dati na parehas lang naming pina-pangarap at iniisip kung paano namin maabot ay nandito na. Tumingin ako sa altar, naka-ngiti siya at may luha ang kanyang mga mata na ganon din ang akin. Nag umpisa ako humakbang at kasabay non ang saya, lungkot at kaba ko ngayon araw. Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn’t speak Naalala ko ang panahon na una kaming nag kita, ang araw kung kailan s’ya pina-kilala sa akin ni Raven

