Kabanata 01
Magandang araw po sa inyong lahat,,, Nais ko lamang pong ipakilala sa inyo ang ating pangunahing bida sa ating kwento,,, sya si lolo Berting,,, Tubong Hilagang bahagi ng Luzon,,, Kasama sa kwentong ito ang maalamat nyang Medalyon,, at Kung paano sya nagkaroon nito,,, mga pasakit at kasiyahan sa kanyang paglalakbay...
Taong 1940,,, Isisilang noon si Lolo Berting sa hilagang bahagi ng Luzon,,, Pansin agad ng kanyang mga magulang at kanyang mga tiyo,,, na may kakaiba sa ipinagbubuntis ng kanyang ina na si Consuelo,,, Masayang namumuhay sa isang masagang pook noon ang kanyang mga magulang,,, isang manggagamot ang kanyang ama na madalas dinadayo pa ng karatig bayan,,, upang maipagamot lamang ang kanilang mga mahal sa buhay,,, pero madalas ay nasa bukirin ito at nagsasaka ng mga gulay...
Bukod tanging ang mag aswang ito,,, ang may pinaka busilak na kalooban sa lahat ng tao sa kanilang kabayanan,,, Isang araw,,, Habang nasa kagubatan itong si Consuelo,,, may kung anong nilalang ang nagpakita sa kanya,,, sa totoo lamang ay normal na ang ganitong sitwasyon sa kanya,,, aniyay madalas itong mangayari sa tuwing sya ay namimitas ng kamatis,,, na kanilang tanim sa kabundukan...
Pero noong oras na iyon,,, kakaiba ang nilalang na lumapit sa kanya,,, sinabi nitong kukunin raw nya ang itinakda,,, naguguluhan pa si Consuelo noon kung ano ba ang tinutukoy ng nilalang na yon,,, Matutulis itong mga kuko at may g**o gulong buhok,,, yung mukha nya ay kulukubot, nanlilisik ang mga mata at may matutulis na mga ngipin.
Sumagot si Consuelo na hindi nya maintindihan ang nais nitong iparating sakanya,,, Hanggang sa tumawa ang nilalang na yon at sinabing,,
"Napaka Bango... Amoy na amoy mula pa sa kabilang bundok ang amoy ng itinakdang nasa iyong sinapupunan,,, yan na ang matagal na naming kinatatakutan na maisilang,,, kaya ibigay mo saken yan!"
wika noong Aswang na yon
Doon nga ay hindi malaman ni Consuelo ang kanyang mararamdaman,,, hindi nito mawari kung sya ay matatakot sa sinambit ng aswang o sya ay mtutuwa,,, sapagkat nalaman nyang nagdadalang tao na sya,,, na sya naman pinapangarap nilang dalawang mag asawa,,, Noong oras din iyon nilabas ni Consuelo ang kanyang pulang tela,,, Mula sa kanyang suot na pang itaas ay hinugot nya sa loob noon ang telang iyon...
Noong makita nga ito ng aswang ay dali dali itong nagkalas at tumakbo palayo,,, Ngunit si Consuelo ay nababahala,,, sapagkat may araw pa noon,,, pero nakalabas ang anyong aswang nito,,, Tapos ay hindi nya maintindihan ang winika ng aswang,,, tungkol sa kanyang nasa sinapupunan...
Pag uwi ni Consuelo sa kanilang tahanan,,, masaya nitong kinausap ang kanyang asawa,,, Natawa pa nga ang asawa nito, sapagkat masayang nagsasalaysay si Consuelo,,, gayong tungkol pala ito sa kanyang naka engkwentro na aswang,,, dagdag pa ng kanyang asawa,,, bakit daw sya masaya sa kanyang karanasan,,, hindi ba dapat ay matakot ka dahil sa aswang na iyong naka engkwentro,,, Ngunit sinabi na ni Consuelo ang dahilan kung bakit ito nagagalak...
Dito nga ay binanggit nya na magkakaroon na sumpling,,, at tulad ng isang ama na matagal nang nangangarap magkaroon ng isang supling,,, masayang masaya at nagtatakbo sa kanilang nayon,,, at isinisigaw sa buong kanayunan ang masayang balita,,, walang tigil itong tumatakbo hanggang sa mapagod nalang...
Sinabi rin nito kay Consuelo na papangalanan nila itong Berting,,, Wala namang tutol itong si Consuelo sa pangalang iyon,,, batid pa nyang mayroong kakaiba sa kaniyang nasa sinapupunan,,, ngunit ipinag pikit balikat nya na lamang ito,,, ayaw nyang pigilan ang kasiyahang nararamdaman ng kanyang asawa...
Ilang buwan pa ang nakakalipas,,, lumalaki na ang tyan nitong si Consuelo,, At alagang alaga naman sya ng kanyang asawa,,, lahat ng gawain nyay hindi sya pinababayaan nito,,, lagi itong tumutulong sa kaniya,,, matapos nitong mag trabaho sa bukirin... Isang magsasaka itong asawa nya at minsan ay nangingisda rin ito...
Unang byernes ng abril noon,,, isisilang ang unang anak nila Consuelo at tatawagin nilang Berting,,, Nasa Kalagitnaan noon ng gabi,,, tanging liwanag lamang ng kabilugan ng buwan,,, nag sisilbing liwanag sa kanilang nayon,,, Yung oras ding iyon,,, nagsisipag liparan ang mga ibon sa himpapawid,,, animoy may isang sakuna ang mangyayari,,, Nakakapanindig balahibo ang mga tinig na kanilang naririnig sa di Kalayuan,,, Si nana Sabel ang magpapa anak kay Consuelo,,, sya rin ay isang mang gagamot sa kanilang lugar,,, ngunit napansin na agad ni Nana Sabel ang kakaiba sa ipinagbubuntis ni Consuelo,,,
Dito nga ay nasambit nya ang katagang...
"MAGSIHANDA KAYO, MAY NALALAPIT NA SAKUNA"
Wika nito at naglabas ng kung anu anong pangontra na kanyang dala dala,,, at dahil isa ring Manggagamot ang Asawa ni Consuelo,,, ay ibinahagi nya ang kanyang mga pangontra at kaalaman sa mga tinutukoy ni nana Sabel na mangyayaring Sakuna ..
Lumabas muna ng bahay ang asawa ni Consuelo at nagbabantay dito,,, ilang saglit pa,,, narinig na nito ang iyak ng isang sanggol,,, Masayang masaya ito sa kanyang narinig,,, papasok na sana sya sa bahay,,, ng biglang may kung ano ang kumalmot sa kanyang tagiliran,,, napaka lalim na kalmot,,, Hindi nya agad napansin na may nakamasid na pala sa kanyang pagbabantay,,, at naghihintay lamang ng tamang tyempo upang syang lusubin...
Naka hiyaw pa ito na narinig naman ni nana Sabel,,, hindi na ito narinig ni Consuelo,,, sapagkat nawalan ito ng malay sa kanyang panganganak...
Nagtungo si Nana Sabel sa labas,,, upang tumulong sa hiyaw na kanyang narinig,,, ngunit bago ito magtungo roon,,, ay iniwan nya sa tabi ni Consuelo ang mga pangontra at anting anting na bigay ng asawa nito,,
ngunit hindi pa ito nakakalabas ay nasaksak rin ito ng matutulis na kuko,,, dahilan ng kanyang pagkamatay,,, wala na rin ang asawa ni Consuelo na nauna ng pumanaw,,, sa kamay ng mabangis na nilalang na iyon..
May mga matutulis na kuko,,, nanlilisik na mga mata,,, at matutulis na mga ngipin,,, at ang tangi nitong sadya ay ang bata sa bagong silang noon,,, papasok na ito sa silid kung saan ay naroon ang umiiyak na sanggol at ang kanyang inang si Consuelo,,, na nooy walang malay na nakahiga sa tabi ni Berting..
Dahan dahan nang tinutungo nito ang silid at nag ngangalit ito habang humahakbang,,, na tila ba ay hayok na hayok sa sariwang laman ng tao,,, at nang makarating na ito sa silid,,, agad itong napatingin sa tabi nila Consuelo,,, napaatras ito noong makita nya ang isang Krus na iniwan ni nana Sabel,,, sinusuban nitong makalapit,, ,ngunit hindi nya talaga magawa,,, lubos na makapangyarihan ang Krus at mga pangontra ni nana Sabel...