MAAGANG naggising si Kaia ngayong araw. At dahil hindi naman niya kailangan na maghanda ng almusal dahil may free breakfast ang hotel ay pinili niyang pagmasdan na lang si Dashrielle habang natutulog. Napakaguwapo talaga ng lalaki. Buhay na buhay ang dugong pinoy nito sa kayumanggi na balat at may kalakihang mata. Hindi rin ganoon kataasan ang ilong nito pero bagay naman sa hugis almond nitong mukha at may kakapalan na labi. Naka-jackpot si Kaia sa pang-pisikal na anyo sa asawa. At sa attitude nito ay masasabi niyang ganoon rin naman ang sitwasyon. Naging napaka-pasensyoso nito sa kanya, maalagain at sweet. Pinaka-bonus na lang masasabi ni Kaia na magaling rin ito sa bed department. Hindi man naging maganda ang nakaraan para kay Kaia ay maganda naman ang kanyang kasalukuyan at mukhang hi

