PAULI-ULING lakad ang ginawa ni Dash sa loob ng bahay habang hinihintay ang pagdating ni Kaia. Nag-aalala na siya sa asawa. Mag-aalas onse na ng gabi pero wala pa rin siyang balita rito. Well, meron naman at iyon ay gusto daw muna nitong mapag-isa. Pero masyado ng gabi ngayon. Naka-ilang tawag na siya rito pero unattended naman ang cell phone nito. Pinili na intindihin ni Dash ang asawa. Hinayaan niya ito sa gusto nito. Pero sobra-sobra na ang ngayon. Hindi na rin niya gusto ang pag-aalalang nararamdaman niya. Natatakot na siya. Alas onse pasado nang dumating ang sasakyan ni Kaia. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa sobrang relief. Sinalubong niya ito kaagad sa gate. Niyakap niya ito nang makababa ito ng kotse. "Alalang-alala na ako sa 'yo. Mabuti naman at nakabalik ka na."

