ILANG araw ng hindi kagandahan ang pakiramdam ni Kaia. Madalas siyang nahihilo at parang gusto lang na matulog. Ang nakakalungkot pa ay saktong may business meeting ang asawa Singpore. Noong isang araw ito umalis at bukas pa ang balik nito. Nami-miss na ni Kaia si Dashrielle. Araw-araw man siyang tinatawagan nito ay parang kulang pa rin. She missed his presence, kisses, touch and even the thrusts. Kailangan niya ang asawa. Pero hindi lang si Kaia ang responsibilidad ni Dashrielle. At kailangan niyang intindihin iyon. Titiisin na lang niya ang kalungkutan. Pauwi na rin naman ang asawa bukas. Baka kaya lang sobrang nami-miss niya ito dahil hindi ganoon kaganda nga ang pakiramdam niya. Kaya lang ay nag-alala si Kaia sa sarili niya nang dumating ang hapon at nahimatay siya. Patayo siya noon

