ILANG buwan ang nakalipas at nagpahanda ulit ng maliit na party si Kaia at Dashrielle---gender reveal party. Kagaya ng house warming nila ay kakaunti lang rin ang inimbitahan nila---ang Daddy ni Kaia, ang magulang ni Dashrielle at pati mga kaibigan nito. Sa pagkakataong iyon ay present na ang lahat at may dagdag pa nga. Pinakahuling dumating si Seymor sa lahat ng inimbitahan na bisita at mas may pasabog pa pala ito sa kanila. “Hello everyone. Meet my wife, Luna.” Pagpapakilala nito sa kasama. “Wife?” Halos malaglag ang panga ni Cato at Dashrielle. “You are kidding us!” Halatang nagulat rin si Pierre pero mas tame ang reaksyon nito kaysa sa dalawa. Tumikhim ito. “Bakit hindi mo man lang kami inimbitahan sa kasal niyo?” Alam ni Kaia na balak na magpakasal ni Seymor. Pero wala pa naman s

