"WINE?" alok ni Dashrielle kay Kaia habang nasa sofa sila ng bahay. Bukas na ang TV nila at naghihintay na lang sila ng oras. At exactly eight in the evening, ipapalabas sa isang lifestyle program sa sikat na TV channel ang interview niya. Kunot ang noo na tinitigan ni Kaia ang inilapit sa kanya ng asawa na glass wine. "I should not be drinking. Alam mo naman ang kondisyon ko." Ngumisi ang asawa. "Gagawa ba ako ng ikapapahamak mo? Of course I researched about this. Pregnant woman is okay to drink wine, basta hindi lalagpas ng dalawang baso sa isang linggo. Tumawag na rin ako sa Doctor mo." "Thanks for the care. Pero wala ako sa mood." Ibinaling na ulit ni Kaia ang tingin niya sa telebisyon. Ilang minuto na lang ay mag-air na ang programa. Ibinaba ni Dashrielle ang wine glass niya sa ce

