44

1069 Words

LUMIPAS ang mga araw at wala pa rin na nakuha si Kaia na paliwanag mula kay Dashrielle. Palagi na lang itong busy. Umaalis ito nang maaga at umuuwi ay gabi na. Madalas rin itong pagod. Gusto man niya na itanong ang mga bumabagabag sa kanya ay naisip naman niya na hindi iyon ang tamang oras. Kakausapin na lang niya si Dashrielle kapag maluwag na ang schedule nito. Pero dumating ang Sunday ay mukhang busy pa rin ang asawa. Pagkatapos niyang magluto ng almusal ay nakaligo at naka-ayos na ito. Simpleng T-shirt at shorts lang naman ang suot nito pero mukhang may lakad pa rin ang porma. "Good morning." Hinalikan siya ni Dashrielle nang makita siya. "'Morning." Sa kabila ng halik ng asawa ay hindi nabago ang mood ni Kaia. Medyo inis siya. Wala na ba itong balak magpahinga? Rest day dapat nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD