MATAGAL na nakatitig lang si Dashrielle kay Kaia kaya naman napakatagal rin ng t***k ng puso niya habang naghihintay ng sagot nito. Hindi rin niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. "Say something." Nilagay ni Dashrielle ang mga kamay nito sa magkabilang pisngi niya. "Bakit naman biglang nagbago ang isip mo?" Kinagat ni Kaia ang ibabang labi. Ilang araw na niyang pinag-iisipan na sabihin sa asawa ang tungkol roon. Pero pakiramdam niya ay hindi pa rin pala siya handa. Wala siyang maayos na paliwanag dahil kahit siya ay naguguluhan rin sa nararamdaman niya. "I-I realized, I want a peaceful life. Ayaw kong ma-issue ng tao ang tungkol sa relasyon natin." "Hmmm..." "At least for sometime. Maybe a year?" Isang taon lang? Kaya mo ba talagang magtiis sa mga susunod na taon? Nasa isip ni Kai

