30

1433 Words

KAHIT kailan ay hindi nakilala ni Kaia ang mga magulang niya. Ayon sa kumupkop sa kanya na si Kyla Velasco ay basta na lang daw siyang iniwan sa harap ng bahay kung saan ito namamasukan na katulong. Naawa ito sa kanya at nakiusap sa mga amo nito na aalagaan at aampunin na lang siya. Isang matandang dalaga si Kyla Velasco. Nasa probinsya ang pamilya nito na ilang taon ng hindi nakikita dahil sa trabaho sa Maynila. Dahil rin sa pagiging abala nito sa trabaho ay hindi na ito nakakauwi at wala na rin oras para makahanap ng lovelife. Kaya open ito sa pag-aampon sa kanya. Mabait naman ang pamilya na pinagsisilbihan ni Kyla Velasco. Mayaman rin ang mga ito. Pumayag ang mga ito sa pag-aampon sa kanya. Doon na rin siya tumira sa mansion kung saan nagtatrabaho ang kinilala niyang ina. Okay naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD