MASAKIT ang ulo ni Dash nang maggising siya sa tunog ng cell phone niya. Inis tuloy na sinagot niya ang tawag. "Okay ka lang?" bati nang tumawag. Sandaling tinignan ni Dash ang screen ng cell phone niya. It was Seymor. Pumikit na lang siya ulit pero nagpatuloy sa pagkausap rito. "Bakit ka ba tumatawag?" "Masama bang kumustahin ka?" "O si Kaia?" "Yeah. Kumusta kayo?" Hindi nakasagot kaagad si Dash. Mabigat pa rin ang loob niya. Pagkatapos niyang malaman ang sikreto ni Kaia ay umalis siya ng kuwarto nila. Naghanap siya ng bukas pa na bar at nagpakalasing. Nang magsara naman na iyon ay bumili pa siya ng alak na puwede niyang mainom at dinala sa hotel. Nagpa-book siya ng bago at sariling kuwarto sa hotel kung saan dapat ay magkasama sila ni Kaia. Gustong makalimot ni Dash. Pero kahit na

