NAGISING si Kaia na naabutan na ulit si Dashrielle sa hotel room niya. Parang nagliwanag ang paligid niya. Pero nang ma-realize niya na hindi maganda ang ginagawa ng asawa ay nalungkot na naman siya. Nag-eempake na ng gamit si Dashrielle. Bumangon si Kaia ng kama. Nilapitan niya ang lalaki. "Iiwan mo na ba ako?" Sandaling tinignan siya ni Dashrielle. Pagkatapos ay tumingin rin ito sa maleta niya. Napakunot noo siya nang makitang sarado na iyon. "Pinakialaman mo ang gamit ko?" Tumango ito. "We are leaving today," "O ikaw lang?" "I'm sure I said the right term, Kaia. I said, "we"..." "At saan tayo pupunta?" "Sa America," "Huh? Pero bakit?" Hindi sumagot si Dashrielle. Marami tuloy na thoughts na pumasok sa isip ni Kaia. Bakit sa lahat ng lugar ay sa America pa sila pupunta? Makikipa

