"I REALLY like Kaia," bungad ni Seymor kay Dash nang bigla na lang siyang tawagan nito. Natigil sa ginagawang office work si Dash. Tumaas ang isang kilay niya. "Isang beses mo pa lang siyang nakikita," "Nope. I saw her today. In fact, hinatid ko siya sa work," may aliw sa boses ng lalaki. "You what?" Inulit lang ni Seymor ang sinabi. "Pero bakit?" "Because I cannot stop thinking about her. Nagresearch ako tungkol sa kanya at magkapit-subdivision lang pala kami," "You're mad," nasabi na lang ni Dash. "For her," Natatawang wika ni Seymor. "Akin na lang siya, please?" "Tigilan mo nga siya," "Pero bakit? Hindi mo naman siya gusto. Dahil kung oo, sana ay sinagot mo na siya," Napabuntong-hininga si Dash. "Hindi madali ang hinihingi niya," "Maybe. But I can give it to her. Mayaman nam

