"'WAG ka na munang pumasok, Anak..." pakiusap kay Kaia ng ama nang malaman nito ang sitwasyon niya. May benda pa rin ang mga paa niya dahil sa pagkahulog sa pool. Mahihirapan siyang pumunta sa office lalo na at undermainetance at coding naman ang dalawang sasakyan nila sa bahay. Day off rin ng driver nila. Itinaas ni Kaia ang kamay sa ama. Umiling siya. "Mabagal lang ako maglakad pero kaya ko pa. Gagamit rin po ako ng grab application para hindi hassle magbiyahe," Umungol ang Daddy niya. "Bakit ka ba kasi pupunta pa sa office? You'll be Dashrielle's wife. You don't need to work," Lumabi si Kaia. "Hindi naman po gusto ni Dashrielle na pakasalan ako," "Sumusuko ka na ba?" Tinitigan siya ng Daddy niya. Alam nito ang determinasyon niya na mapa-oo si Dashrielle. Umiling si Kaia. "Hindi nam

