Chapter 8

1728 Words
Hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman, animo'y parang biglang gumuho ang mundo ko. "Kapatid ng amo ko ang kasintahan kong si Kyru," bulong iyon ng isipan ko. At dala ng kalungkutan ay napapikit ako at sandaling nangilid ang luha. Makita lang ang katawan ng kasintahan ko na nakikipaglaban kay kamatayan. Ngunit hindi lang iyon ang labis na nakakapagpangamba sa akin, kundi ang sari-saring konklusyon na nabuo sa aking isipan, na; Hindi totoo si Kyru. Pinaniwala lang ako ni Kyru sa isang kamalian. Pero bakit bawat haplos, halik at yakap niya sa akin ay pakiramdam ko lahat ay totoo? At bakit maging ang aming pagiging isa ay parang sariwa pa rin sa akin? Paano nangyaring mahawakan at mahagkan ko ang isang lalaking kailanma'y isang kaluluwa lang? Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako nakakadama ng antok, naiisip ko kasi kung may babalikan pa ba ako sa kabundukan ng Floresca, sa kabundukan kung saan kami nagkakilala at naging isa. Tiyak na ibang buhay ang mayroon siya rito sa Maynila at hindi ko maaaring sisihin si Kyru sapagkat tao lamang siya at nagkakamali. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda ng makakain para kina Sir Rio at Madam Kylein. "O, hija, ang aga mo naman yatang nagising. Aba at mukhang masarap ang niluto mo, hah," puna sa akin ni Aleng Gina. Ngumiti ako at napalingon sa pababang si Sir Rio mula sa hagdan. Kaya agad naman nabaling ang atensyon ni Aleng Gina rito. "Good morning, hijo! Kumain ka na at naghanda si Fyane ng makakain," masayang bungad ni Aleng Gina dahilan para sandali silang magkatitigan ni Sir Rio at doo'y hindi maiwasang mapakunot ang noo niya sa akin. Marahil ay 'yung naabutan niya ako kahapon na walang permisong pumasok sa silid ng kaniyang kapatid. "Alright, sumabay na kayo sa akin kumain, Aleng Gina," seryosong anito. Habang napapansin kong umiiwas siya ng tingin sa akin. Maya-maya pa ay bumaba na rin si Madam Kylein. Nakita kong humalik siya sa pisngi ni Sir Rio. Kapansin-pansin ang kanilang closeness sa kabila nang naging sagutan nila kahapon. Samantala, napuna ko naman ang suot na uniporme ni Sir Rio na labis na nagbigay ng kuryosidad sa akin. "M.D? Ano pong ibig sabihin ng katabi ng pangalan niyo, S-sir Rio?" Itinuro ko pa ang nameplate na nakadikit sa kaniyang uniporme. Pero halos mapahiya lang ako sa kawalan nang walang narinig na sagot mula sa kaniya kundi isang katahimikan lang ang nangibabaw. Maya-maya pa'y pinutol iyon ni Aleng Gina sa pamamagitan ng pagtawa. "Ah, hija, isang magaling na doktor si Rio." Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Yes, ah, nga pala, Fyane, ikaw ang magsara mamaya ng gate sa pag-alis ko," sagot ni Sir Rio at agad naman akong napatango. Kagaya nang sinabi ni Sir Rio ay magkasabay kaming lumabas upang ako ang magsara ng gate. Subalit bago pa man siya sumakay ng kotse ay natigilan ako sa sinabi niya, "Bakit ganoon ang reaksyon ng mukha mo nang makita mo ang kapatid ko?" "Ah-- sir, a-ano k-kasi--" "What?" Maniniwala kaya ito kung sasabihin niyang nobyo niya ito? "N-nabigla lang ako, sir. Patawad po." Mabilis ang t***k ng puso ko dulot ng matinding kaba pero parang guminhawa ang pakiramdam ko sa sinabi niya, "Alright." At mabilis ulit na bumalik ang kaba sa akin nang magsalita siyang muli, "Pero next time, ayoko nang mahuhuli kita na pumapasok doon, maliban na lang kung may permiso ko, okay?" Medyo nalungkot ako sa sinabi niya pero wala akong nagawa kundi ang tumango. "Good," sabi nito habang seryoso pa rin ang mukha. "Mahirap bang ngumiti?" tanging wika ko sa sarili nang makapasok na siya sa kotse. At nang tuluyan na siyang makaalis ay doon lang ulit ako nakahinga ng maluwag. At bigla kong naisip ang kalagayan ng aking Amang at Inang na nasa probinsya. Maging si Mikee ay sadyang nami-miss ko na. At sigurado naman ako na inaalagaan siya ng mabuti nina Amang at Inang. Ginawa ko silang inspirasyon sa kabila ng kalungkutan na nararamdaman ko. At doo'y nagkaroon ako ng lakas ng loob at hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil lang sa inaasal sa akin ni Sir Rio. At dahil wala akong teleponong pang-communicate sa aking magulang ay lalo lang akong nalulungkot sa tuwing naiisip ko sila. Kaya naman para mapawi 'yon ay naisipan kong idaan na lamang iyon sa kanta. Kamukat-mukat ay natanaw ko sa hindi kalayuan si Kuya Billy, ang family driver ng pamilya Fabian. At dahil wala pa naman akong ginagawa ay pasimple akong nakipagkuwentuhan sa kaniya. "O, Kuya Billy, bakit po hindi mo ipinagmaneho si Sir Rio?" Sandali itong ngumiti. "Alam mo, Fyane, independent kasing tao si Rio. Kaya mas gugustuhin no'n na siya na lang magmaneho kaysa ang umasa sa iba." Doo'y hindi ko maiwasang humanga sa ugaling iyon ni Sir Rio. Pero agad kong naisip si Kyru, "Ano kaya ang hilig niyang gawin noong hindi pa siya nakahiga ng matagal sa kamang iyon?" Ilang sandali pa ay natigil ang isiping iyon nang magsalitang muli si Kuya Billy, "O, bakit natahimik ka? Alam mo, hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring girlfriend iyang si Rio, e. G'wapo naman, edukado at may magandang propesyon. Siguro ay sadyang malayo lang talaga ang kanilang pag-uugali ni Kyru, ang nakababata niyang kapatid." Nang mabanggit niya ang pangalan ng taong mahal ko ay doon ako lalong nagka-interes sa sinabi niya. "A-alam mo po ba kung ano ang nangyari sa kapatid niyang si K-kyru?" Ewan ko ba kung bakit nauutal akong banggitin ang pangalan niya ngayong alam ko na ang katotohanan. "Oo, matagal na akong nagsisilbi sa pamilya Fabian at alam ko rin ang itinatago nilang lihim. Mahigit isang taon nang itinatago ang katawan ni Kyru sa k'wartong katapat lamang ng k'warto mo. Ang nakapagtataka nga ay ayaw siyang sukuan ni Rio kahit sadyang magastos ang mga aparatong nakakabit sa kaniya. Dahil na rin siguro ay magaling silang doktor ni Madam Kylein kaya naniniwala pa rin sila sa munting pag-asa." Nanatili akong nakikinig sa kaniya hanggang sa i-kuwento niya ang totoong nangyari two years ago, kung saan ay nagkataong day off niya naganap 'yon at ikinuwento lamang sa kaniya ni Aleng Gina. Flashback.. "Kuya, tumawag ka na ng pulis p-please!" pagmamakaawa ni Kyru kay Rio. "Hindi tayo p'wedeng basta-basta na lang umaksyon gayong nandito sa loob natin ang mga sangkot sa krimen na pinasok ni Dad!" Halos isigaw na ni Rio ang sinabi. Batid nitong kaunting wrong move lang nila ay magagawa silang ubusin buong pamilya ng mga ito. Pumasok ang Daddy nila sa isang samahan na maaaring magdulot ng ikapapahamak ng kanilang pamilya. Sumapi siya sa grupo ng sindikato at ngayong nais na niyang umalis sa grupo ay na-ingkwentro sila sa isang delikadong sitwasyon. Kitang-kita nila kung paano halughugin ng mga armadong lalaki ang kanilang bahay. Kung saan ay nakuha nila ang ilang armas na itinago pa ni Mr. Reinan Fabian, ang kanilang ama sa k'warto nito. Maging ang kanilang ibang gamit sa bahay kagaya ng laptop, computer at cctv ay kinuha ng mga ito para walang maiwang bakas ng krimen. "Kuhain niyo na lahat ng gusto niyo, huwag na huwag niyo lang sasaktan ang pamilya ko!" nanggigigil na sabi ni Mr. Fabian. Ngumisi ang isa sa mga armadong lalaki at itinutok ang baril sa sintido ng kanilang ama habang nagtatangis sa pag-iyak ang mag-iina. "Huwag please! Huwag na huwag niyong sasaktan ang asawa ko!" pagmamakaawa ni Mrs. Kylein Fabian. Napapamura na rin si Rio sa nangyayari, habang nakayakap naman si Kyru sa kaniyang mommy. "M-mom, tumawag na tayo ng pulis please.." pagmamakaawa ulit ni Kyru. "Ipagpasadiyos na lang natin ang lahat, anak.. Ayokong mas lumala pa ang sitwasyon." Makikita ang kinang sa mga mata ni Mrs. Kylein Fabian at salungat man si Kyru sa desisyon ng kaniyang nakatatandang kapatid at ng kaniyang ina ay nanaig pa rin ang kaniyang desisyon na ililigtas niya ang kaniyang ama sa kamay ng mga armadong lalaki. At hindi na namalayan ni Rio at Mrs. Kylein ang nangyari, maging ni Mr. Reinan dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Dahil nang sandaling paputukin ng armadong lalaki ang baril ay tumama ito sa sintido ni Kyru na naging dahilan ng mabilis na pagbagsak nito. "Kyru!" Agad na nagsilapitan ang mag-ina kay Kyru na duguan at wala ng malay. Habang si Mr. Fabian naman ay natulala lang at tila nagkaroon ng trauma sa mga nangyari. Samantala ay mabilis na nakatakas ang mga armadong lalaki dala-dala ang kanilang mga ilang gamit na nakuha. "Mga hayop kayo!" pasigaw na my bahid ng galit na tugon ni Mr. Fabian. Habang napapamura na lang sa galit si Rio sa sinapit ng kaniyang nakababatang kapatid. Wala na itong pulso nang dalhin nila sa k'warto dahil may mga medical kit doon si Mrs. Fabian. End of Flashback.. "Mula noon ay walang ibang sinisi si Rio sa nangyari kundi ang kaniyang daddy, kaya nagawa niyang mag-masteral sa ibang bansa upang gawin ang lahat ng kaniyang makakaya sa kaniyang kapatid. Umaasa siya na isang araw ay muli niyang masisilayan ang mga ngiti at tawa nito." Hindi ko maiwasang mahabag sa aking mga narinig. Hindi ko akalaing ganoon kadilim ang bangungot na nangyari sa pamilya ng taong mahal ko. At bago pa man pumatak ang luha ko ay napigilan iyon nang muli siyang magkuwento, "Maging ang kasintahan ni Kyru na si Jerica ay umaasa pa rin na magigising ito." "J-jerica?" pag-uulit ko. "Oo, marahil ay hindi mo pa siya nakita, pero siya ang nakatakdang babaeng ikasal sana kay Kyru." Doon napaawang ang labi ko. At bago pa man ako muling magsalita ay pareho kaming napalayo sa isa't isa nang marinig ang tinig ni Madam Kylein. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Kuya Billy matapos ang maghapong gawain. Ang tanging nasa isipan ko na lang ngayon ay kung paano ko kayang tanggapin ang katotohanan.. Pero may pag-asa pa bang maging makatotohanan ang lahat sa amin ni Kyru sa kabila nang pagtatago niya ng katotohanan sa akin? Nakita ko na lang ang unti-unting pagpatak ng aking luha at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay agad na umihip ng malakas ang hangin. Pakiramdam ko ay nasa paligid lang ang kaluluwa ni Kyru.. At natigilan ako nang may biglang humawak sa balikat ko. Dahan-dahan akong napalingon at hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o kikilabutan nang makita ko kung sino iyon. At tanging pangalan lang niya ang nasambit ko, "K-kyru.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD