“Herq,” sambit ni Dami. “Tama, ako nga.” ani ni Herq habang ngumingiti. Tumango naman si Dami at pinagtakahan iyon ni Herq kung bakit hindi ito nagawang magulat man lang. Kumot ang noo ni Falguni dahil sa inasta ni Dami kung kaya’t napatingin siya kay Herq. “Matagal ko ng alam,” malamig na sagot ni Dami. “Noong nasa cafeteria tayo na sinabi mo ang detalye sa pagkikita ni Rizale at ni Shin. Ikaw lang ang pinunong kayang sabihin iyon. At ang intensyon mong palitan ng metal ang kamay ni Shin dahil inaakala mong ililigtas ka niya at papanig siya sa’yo.” ani ni dami at ngumisi. Hindi naman nakapagsalita si Herq. Tumungo siya at ngumisi. Alam niyang madaling makuha ni Dami ang mga bagay at hindi na dapat niya ito pinagtakahan pa. Ngunit, hindi niya maiwasan dahil Herq ang magulat. Hindi niya

