WALANG pagdadalawang isip na pinaputukan ni Onver at ni Faraj sina Dami at si Upher na mabilis namang napaiwas. Sinusundan nila ito ng bala nang buong pwersang tumakbo si Dami sa dingding habang si Upher naman ay mabilis na nagpalipat lipat ng lugar sa pamamagitan ng teleportation upang maiwasan ang mga pagputok ng baril. Biglang nagtaka sina Onver at Faraj kung bakit biglang nawala ang dalawa sa kanilang harapan gayong maliit lang naman ang pasilyo. Si Dami naman at si Upher ay nasa kanilang likuran lamang, nang maramdaman nina Onver at ni Falguni ang kanilang presensya’y dahan dahan silang bumaling sa likuran. “Mauna ka na, Dami. Iligtas mo si Shin.” Biglang ani ni Upher. Si Dami naman ay napatingin sa kanya upang malaman kung seryoso ba siya sa kanyang sinasabi. Nanatili namang seryos

