BINAGSAK ni Rhinega ang isang Odd Allegory na humarap sa kanyang dinaraanan. Pinunasan niya ang kanyang labi gamit ang likuran ng kanyang palad at tiningnan nang maigi ang Odd Allegory na nawalan ng malay sa kanyang malakas na pagbagsak dito. Ngumisi siya at nagpatuloy sa paghakbang. Bago pa man siya makalabas nang tuluyan ay may isang CWPO ang nagpakita sa isang pasilyo. Ang unang pumasok sa isipan niya sa mga oras na iyon ay sundan siya upang hindi magkaroon ng problema sa kanyang paglabas ng gusali. Laking gulat niya nang tumakbo ito sa kabilang direksyon at lumiko sa kabila naman na para bang gusto nitong habulin siya ni Rhinega. Dahil na kukusyuso si Rhin kung sa naturang CWPO ay sinundan niya ito. Nakarating siya sa labas at laking gulat niya nang makita mula sa likuran ng sasakya

