Tumungo sina Upher, Dami, at Rhinega sa rooftop pati na rin ang punong ministro. Bakas naman sa mukha ni Upher ang takot habang nakatingin lamang sa ibaba. Nakahilig ang kanyang dalawang palad at napatingin sa kalsada kung saan naglalakad ang mga armadong CWPO at Odd Allegory at nagtatakbuhan naman ang mga inosenteng nilalang. Nagpapalitan ng sigaw at putok mula sa baril, pagsabog nga mga gusali ang iilang missile mula sa nagliliparang armadong sasakyan na ginagamit tuwing digmaang himpapawid. Napailing si Upher habang nakatukod ang dalawang kamay sa railings, hindi niya akalain na makikita niya ang nakakaawang eksenang ito. Pati ang mga inosenteng meta na hindi naman pinangarap ang magkaroon ng kapangyarihan ay nadadamay dahil sa kasakiman sa kapangyarihan ng utak ng digmaang ito. “Mag

