ILANG ulit nang tumunog ang telepono ngunit hindi pa rin sinasagot ng tinatawagan ni Rhinega. Nakatukod ang kanyang isang kamay sa dingding habang nakayuko naman ang kanyang ulo. Muli siyang huminga nang malalim nang ibinaba niya ang kanyan telepono. Tumayo naman si Dami upang lumapit sa kanya, “Ano Rhinega? Na kontak mo ba?” tanong niya dito. Lumingon naman si Rhinega sa kanya at umiling. Umangat ang ulo ni Dami at napapikit dahil sa bigat ng loob na nararamdaman. Sumulpot si Upher, at kagaya ni Rhinega may dala dala itong telepono. “Hindi rin sinasagot ang tawag ko. Kailangan niyang umalis sa lugar na iyon.” Ani ni Upher. Umangat ang mukha ni Rhinega at umigting ang panga. Si Dami naman ay nagulat sa ipinapakita niyang reaksyon sa mga oras na ito. Batid ng lahat na matalik na kaibig

