(This chapter is a full flashback) HINDI makapakali si Herq pagkatapos bumalik ni Dami sa nakaraang panahon. Pabalik balik siya sa kanyang nilalakaran. Namatay si Shin nang makipagsagupaan kay Falguni. Ang hiwang kamay na nakita ni Dami sa laboratoryo ay ang katibayan na natalo at inatake siya ni Falguni. Hindi niya pa nalalaman ang sekreto ng mundo, ang sekreto ng mag-amang Peterson, kung ano ang formula ng EPGTF at bakit pati si Shin ay nahihirapang buuin ito. Ginulo niya ang buhok, nais niyang malaman ang EPGTF, ang sekreto nito. Hindi siya pwedeng mawala sa mundo na hindi nagagawang doblehin ang bilang ng mga meta sa mundo at hindi siya pwedeng mamatay nang hindi nagkakaroon ng kapangyarihan katulad ng mga meta. “Dami, ikaw lang ang natatanging pag-asa,” aniya sa kanyang sarili na

