UNTI unting dumilat ang mga mata ni Dami. Una niyang nasilyan ang mukha ni Rhinega na nakatingin sa kanya. Mabilis siyang bumangon at napalingon sa paligid upang kumpirmahin kung nasaan siya. Agad siyang napahawak sa kanyang ulo nang sumakit ang parteng giliran nito. Agad siyang kumawala mula sa braso ni Rhinega nang mapagtantong ginawa niyang unan ang hita nito. “Ano ang nangyari?” tanong niya sa binatang hindi maputol ang paninitig sa kanya. Inilibot ni Dami ang kanyang mga mata sa kabuuang lugar. Nasa rooftop sila ng isang matayog na gusali habang nilulugay ng hangin ang kanilang buhok. Si Upher ay nakaupo lamang sa rehas habang nakatanaw sa malayo. “Nagtataka ako, Dami kung paano mo napigilan ang malakas na radiation mula sa kamay ni Shin. Kaya niyang wasakin ang isang bagay sa mun

