“KUMUSTA na, Shin?” Nanlalaki ang mga mata ni Shin. Hindi niya akalaing makikita niya ulit ang kaibigan. Lumapit ito sa kanya kung kaya’t tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Matamis na ngumiti naman si Warden sa kaibigan. “Ibang iba ka na ah, ang gara mo na ngayon. Ganap na erudite ka na talaga!” nakangiting wika ni Warden sa kanya at inakbayan si Shin. Kahit ang katawan nito ay totoo, hindi pawang ilusyon lamang. Bumaling naman si Warden sa misteryosong ginoo at ni Falguni habang naaalis ang ngiti nito sa labi. “Maraming salamat po at binigyan niyo ako ng pangalawang pagkataong mabuhay!” aniya at muling napatingin kay Shin. “Sobrang tahimik mo, hindi mo ba ako namiss?” tanong ni Warden sa kanya. Nanatiling tahimik si Shin. Abot langit ang kasiyahan nang makita muli ang kaibiga

