“Ano ang gagawin natin Dami?” tanong ni Rhinega nang makita ni Dami na hindi pa nakakabalik ang dalawa. Lagpas alas dose na ng gabi at ang plano kapag hindi sila nakarating, aasahan ni Dami na may nangyaring masama sa kanila at kailangan na nilang tumungo ni Rhinega upang tulungan ang dalawa. “Maghanda ka, Rhinega,” seryosong saad ni Dami at isinuot ang maskara sa kanyang mukha. Sumunod si Rhinega kay Dami habang nilalakbay ang gitna ng kalsada. NAPADILAT ng mga mata si Upher nang marinig ang daing ni Amara habang nanatili siyang nakahandusay sa lupa. Ramdam niya ang malakas na pagsalpok ng kanyang katawan sa isang matigas na bagay na naging dahilan ng kanyang panghihina. Hindi agad siya maka regen nang tuluyang nawalan ng enerhiya. “Ano ang gusto mong gawin ko sa’yo?” pilit niyang ni

