“NAPAKAGANDA ng panahon kapag umuulan, Hindi ba Shin?” tanong ni Warden sa kanya. “Sa tuwing umuulan naalala ko ang mga panahong magkasama tayo sa kabilang kontinente.” Nakangiting patuloy niya. Tumingin naman si Shin sa kanya at tipid na ring ngumiti, “Naalala mo pa?” Tumango naman si Warden at ngumiti. Nawala ang ngiti sa labi ni Shin nang maisipan niyang itanong ang tungkol sa bumabagabag sa kanyang isipan. “Ano nga ba ang pakiramdam ng mamatay, Warden?” Hindi niya nakikita ang mukha ng binatilyo, nanatili itong nakatingin sa kawalan na para bang malalim ang iniisip. Matagal na itong gustong itanong ni Shin sa kanya ngunit ngayon lang siya naglakas loob sa sabihin kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Ramdam niya mayroong kakaiba sa kaibigan, pero pinapawalang bahala niya iyon dahil

