Nakasuot ng CWPO uniform nang pumasok si Falguni sa bagong headquarter pagkatapos masunog ang gusaling una itinayo. Automatikong bumukas ang pintuan at pumasok siya kung saan nakakulong sina Koerer at Rizale. Agad napatayo mula sa pagkakaupo sa sahig si Koerer at napatingin sa gawi ng pamilyar na postura ng babae. Si Rizale ay lumingon naman nang marinig ang tunog ng isang takong na unti unting lumalakas nang ito’y papalapit sa kanilang direksyon. Kinuha ni Falguni ang nakatakip sa kanyang mukha at tiningnan si Koerer na kasalukuyang hindi mapawi ang pag-asa sa mukha nang makita siya. “Falguni,” utas ani Koerer. “Magandang gabi, Doktor.” Magalang na pagbati ni Falguni sa doktor.Tumayo na rin si Rizale at humarap sa kanya. Ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak sa rehas na bakal habang

