Episode 45: Grandma

2089 Words

Bumaling sa pintuan si Shin pagkatapos ng ilang sandali nang mapansin ang isang pigura ng isang babae sa pintuan. Natigilan naman si Dami at lumuluwa ang mga mata sa gulat nang makita si Shin. Napawi ang ngiti ni Shin nang makipagtitigan kay Dami. “Apo,” palipat lipat ang tingin ng lola ni Shin sa Apo at sa panauhin. Kumunot ang noo ng matanda kasabay ng pagkuha nito sa tungkod. “Sino kayo?!” umalingawngaw ang kanyang boses. Buong akala niya’y mga estrangherong itong may masamang pakay sa kanya. Akmang susugod siya nang pinagitna ni Shin ang kanyang braso upang pigilan ang matanda. Napatingin naman ang matanda sa kanya. “Apo, sino ang mga nilalang na iyan at ano ang ginagawa nila rito sa loob ng aking pamamahay?” tanong nito. Sumilay ang ngiti ni Shin at lumingon sa lola na nag-aalala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD