“WALANG kabuluhan ang pagsasaulo mo ng aking pangalan, batang Peterson.” Anito sa mahina ngunit pabantang tono ng boses. “Makakalimutan mo rin naman.” Patuloy niya at ngumiti. Napa atras ng isang hakbang si Shin at tatakbo na sana pabalik nang maramdaman ang paninigas ng kanyang katawan. Nakauwang ang kanyang bibig. Hindi mahinto kakapatak ng kanyang pawis sa giliran ng kanyang mga mata. Hindi niya alam ang gagawin sa sandaling binabalot ang kanyang loob ng takot. “Lubayan mo ako. Wala akong ginagawang masama sa kontinenteng ito!” Sigaw ni Shin at pilit na pinapagalaw ang katawan ngunit parang hindi siya nag mamay-ari nito dahil hindi nasusunod ang kanyang gustong mangyari. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang metal na kamay at magpalabas ng radiation pero hindi ito gumagana. Batid niyan

