“Inform Dami na Falguni ang pangalan ng nakatakas na Odd Allegory member!” ani ng voicemail. Boses iyon ni Shin. Napatingin siya sa petsa kung kailan na send iyon sa kanyang phone. Kung hindi siya nagkakamali, ito iyong oras kung kailan sila nag usap ng punong ministro. Hindi niya malaman kung paano nakapag send si Shin ng mensahe kung gayong wala naman itong phone at pinagbabawal ang gumamit ng phone sa ganoong oras sa kulungan. Duda niya ang kamay na gawa sa metal ang may pakana nito, matalino si Shin posibleng ngang na revise niya ang Artificial arm. Sunod sunod ang mga voicemail na kanilang naririnig. Si Upher, Amara, at si Rhinega ay tahimik na nakikinig lang din dito. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit dikit nang dikit si Dami sa iyo at parati kang nililigtas? Shin, wag kang bul

