Sabay sabay napasinghap ang mga Odd Allegory members. Hindi nila akalain na may ganitong kapangyarihan ang erudite. Nakauwang lang ang kanilang mga mata at bibig. May ibang natakot at nasindak. Si Shin ay nanatiling kalmado at bahagyang napatingin sa kanyang kanang kamay. Hindi sigurado si Falguni kung nagtataka ito, dahil wala itong ni isang ekspresyon sa mukha. Lumipat ang kanyang paningin sa gawi ng ginoong si Vicee na kasalukuyang humihiyaw sa sakit. Hindi nito maramdaman ang kamay na nawasak. Para itong malalagutan ng hininga sa sobrang hapdi at sakit. “Boss Vicee!” may isang nag aalalang miyembro ang dali daling sumugod sa kanyang boss. Nang makita ang sinapit nito ay madilim itong bumaling kay Shin. Susugod na sana ito kay Shin upang ipaghiganti ang kanyang boss nang mabilis siy

