“Rhin--” Madiin na ipinikit ni Dami ang kanyang mga mata nang ibinagsak siya ni Rhinega sa kama. Hindi siya nakapag handa, hindi niya naihanda ang pader na na maghaharang sa kanyang mga mata kung sakaling pilitin ni Rhinegang tingnan ito. Seryoso lamang nakatingin si Rhinega sa kanya. Pinipilit nitong salubungin ang mga mata kapag dumilat. Ngunit, nagmatigas si Dami. Mga ilang segundo nagtagal ang ganon posisyon. Nanlalaki ang mga mata ni Rhinega nang na proseso sa kanyang isipan ang kanyang ginawa sa dalaga. Dali dali siyang umalis at namumula ang kanyang mukhang nakatayo habang nakatanaw sa kawalan. Umupo si Dami at napatingin sa kanya. Pinagpag niya ang kanyang sarili kahit wala namang alikabok, inayos niya ang kanyang suot na pedal shorts. Sumulyap si Rhinega sa kanya pero agad

