"Ate! What happened?" Maang na tanong ni Catherine nang makita niya si Marian na naglalakad palapit sa kanila. Nagkatinginan pa sila ni Pia na kasama nito sa labas ng isang kwarto sa hospital. "How is he?" Marian asked. Ni hindi niya pinansin ang nag-aalalang tanong nito. Nakatingin lang siya sa isang salaming bintana na natatakpan naman ng isang kulay berdeng kurtina sa loob. "Uhm..." Nagkatinginan pa muna sila ni Pia bago siya nagawang sagutin. "Kuya Tray is fine. Sabi ni Louis, anytime soon magigising na siya." "Uhm.. Ate, sasamahan na kita sa mansyon. Medyo maputla ka kasi tsaka basang-basa ka," Pia said. Nilingon niya ang dalawa saka marahang ngumiti at tumango kay Pia. Ikinawit pa niya ang braso sa braso ni Pia ngunit parang biglang may kumudlit sa ulo niya. Kasunod niyon ang big

