bc

Fall Inlove With A Campus Crush (ON-GOING) (TAGALOG)

book_age12+
1.9K
FOLLOW
7.2K
READ
love-triangle
possessive
family
arranged marriage
badboy
comedy
sweet
betrayal
enimies to lovers
friendship
like
intro-logo
Blurb

Isang Pilosopang Babae na mahilig sa marshmallows at icecream na adik na adik kay Daniel Padilla na mula sa Broken Family na si Alexis Buevera may pag-asa nga bang mahulog sa cold hearted, a little bit possessive, mapang-asar, medyo harsh mag-salita at takot na madis-appoint ang ama na Campus Crush na si Ethan Carson na pinagkakaguluhan maging sa ibang eskwelahan.

Paano kung sa kaibigan ng campus crush unang magka gusto si Alexis at ito'y masuklian naman ng pag-ibig rin? Ngunit bigla nalang malalaman ni Alexis na may lihim palang pagtingin ang kaniyang kapatid sa kaniyang hinahangaan. Magpaparaya ba siya o hindi?

Sa mga panahong hindi mo na kaya ang sakit na nararamdaman at bigat na nasa puso ay bigla ka nalang papasayahin ng lalaking laging nang-aasar sa iyo na dahilan para tuluyan ka ng mahulog rito. Kakayanin mo nga bang mahulog sa Campus Crush kung kaakibat nito ay ang pagtutol ng lahat at maraming beses na pagtatangka sa iyong buhay?

Paano kung ang dalawa'y tuluyan ng magmahalan pero bigla nalang nilang malalaman ang isang napakalaking pasabog na matagal na palang nakatakda? Maipaglalaban ba nila ang pagmamahalan nila? O mas pipiliin nilang iwan at kalimutan ang isa't isa? Para sa ikabubuti ng iba?

Paano kung ang itinuturing mong kaibigan ang siya mo palang matalik na kalaban at ang unang t-traydor saiyo?

May happy ending pa nga ba sa istorya nang dalawa? O ito'y mauuwi sa labis na pagluha? At pag baon ng lahat sa lupa?

Magiging memorya na nga lang ba ang pagmamahalang nabuo sa hindi inaasahang pangyayari?.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Your the most beautiful girl I've ever seen Alex. You're the apple of my eye, ikaw ang tanging babaeng nakikita at gusto kong kasama ko hanggang sa aking pag tanda." Nakangiting turan nito sa akin dahilan para mapangiti ako nang malawak. "Will you marry me? Can you make me the luckiest guy for saying yes, baby?" sinserong tanong nito. Namula naman ang aking pisngi dahil sa kilig na nararamdaman at bahagyang yumuko para itago ito. "Y-yes baby, yes na yes." Napatalon ito at dahil sa saya at akmang hahalikan na sana niya ako ng biglang... "Pwe! Ano ba ito? Umuulan ba? Ang lamig naman." Sabay punas ko sa aking mukha dahil sa likidong iwinasik sa akin. "Mama naman eh! Nandoon na ako, hahalikan na sana ako ni Dj huhu." Reklamo ko kay mama. "First day of school mo anak, sana naman kahit ngayon lang hindi ka mahuli sa klase tapos panguso-nguso ka pa diyan na parang pato." "Sayang kasi mama eh, hahalikan na sana ako ni Dj." Sayang naman kasi talaga eh kahit sa panaginip lang maging akin muna si papa Dj, kahit sa panaginip lang maagaw ko muna siya kay mommy Kathryn. "Anong oras na anak, maligo kana at kanina pa nakahanda ang almusal sa baba, buti sana kung may award ang palaging late at baka i-cheer pa kita." Utos ni mama at saka na lumabas sa kwarto ko. Pinilit kong matulog ulit para ituloy ang masaya at masarap na panaginip ko pero hindi na sumang-ayon ang utak ko. Nakakainis naman hmpk. Napilitan akong maligo na dahil napagtanto ko ring tama si mama. Dapat dahil new school ko na naman ito ay dapat mag bagong buhay na ako. Dapat hindi na ako maging si Ms. Late. Jusko! Sawang sawa na ako sa tawag na iyon sa akin huhuness. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong bumaba para sumabay kay mama na kumain ng almusal. Hindi na ako sumabay kay mama paalis dahil alam ko naman kung saan ang bago kong school at ayaw ko na siyang maabala dahil may importante pa siyang pupuntahan. Bago ako umalis ay pinakain ko muna ang aso kong si cheesecake at opuff, ang dalawa kong baby hehe. "Sana maging maganda ang araw na ito para sa akin, pleaseee." Turan ko sabay pikit pa. Pumunta na ako sa paradahan ng trycicle at nag hintay ng masasakyan. Feeling ko talaga magiging maganda ang experience ko sa bago kong school at sana dito na talaga kami tumira ni mama. Nakakapagod din kasing lumipat ng lumipat ng matitirhan at ng school, aish.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taming The Naughty Billionaire (Filipino)

read
544.5K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

Married to a Cold Billionaire

read
130.8K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook