Alexis The War Queen Mode On Mabilis ang ginagawa naming pag lakad ni Chelsea dahil late na kami sa klase namin sa Math. Rinig namin ang malakas na paghingal ng isa't isa. Exercise na ba this? Feeling ko tuloy ang dami na ng fats ang nawawala sa buong katawan ko mga inday. Nang makarating kaming dalawa sa pintuan ng room namin ay napahinto kami bigla dahil rinig namin ang boses ni Sir Bulato. Oh no! Ano na gagawin namin? Paano na ito? Ito na ba ang katapusan ko sa paaralang ito? Huwag naman po sana Lord. Dahan-dahan naman naming binuksan ang pintuan at bumungad sa amin ang mga tingin ng lahat ng kaklase namin maging si Sir. Nahihiya naman kaming napangiti ni Chelsea. Nasilayan ko naman ang pagmumukha ni Ethan na ngayon ay nakangisi sa akin. Nang-aasar ba talaga ito? Wala na ba

