CHAPTER 07

1304 Words
Rooftop "Baby girl ko, anong ginagawa mo diyan? Halika na." Napabalik ako sa reyalidad mula sa malalim na pag-iisip dahil sa boses na iyon at sa isang busina. Nakangiting nakatingin sa akin si mama habang inaantay ako. Napakaway naman ako at agad ding ngumiti kay mama. Sumakay ako sa kotse ni mama at saka niya ako hinalikan sa pisngi. "Hello, mama." "Buti naman at hindi ka pa nakakasakay ng trycicle kundi baka, hindi ko naabutan ang baby ko," Sambit ni mama at saka na pinaandar ang kotse namin. "Mama, hindi ka po ba busy sa work mo at nag-abala ka pang sunduin ako? Dapat nagpahinga ka nalang muna sa bahay." Nag-aalalang tanong at sagot ko kay mama. Pinisil naman ni mama ang aking pisngi. "Maaga kasing natapos ni mama ang work niya ngayon saka isa pa syempre gusto ko din siyang sunduin dahil hindi ko pa siya na ihahatid mula nang mag-aral siya sa Palacio De Campus at isa pa, ang anak ko kaya ang pahinga ko." Masaya akong napatingin kay mama. Ang swerte ko talaga kay mama, iniwan man kami ni papa pero kahit kailan hindi pinaramdam sa akin ni mama na nag-iisa ako kahit pa nakaranas siya noon ng matinding stress at anxiety dahil sa pag-iwan sa amin ni pala. Hays, tama na nga ang drama baka mapansin pa ako ni mama at siya naman ang malungkot. Ayaw ko pa namang nakikitang malungkot si mama. Kung ayaw sa amin ni papa, tatanggapin ko nalang iyon. Pero, hinding hindi ako magtatanim sa kaniya ng sama ng loob I galit dahil sa ginawa dahil mahal ko pa rin siya at iyon ang turo sa akin ni mama. "Kamusta pala ang school mo ngayon anak?" Tanong ni mama. "Ayon po mama okay lang naman po. Nga pala mama, next time mama kapag may free time ka at si Chelsea ipapakilala ko siya sa iyo o kaya papapuntahin ko siya sa bahay." "Chelsea? Siya ba iyong sinasabi mong bago mong kaibigan na Chinese at napaka-cute?" "Opo, mama!" Masayang sagot ko kay mama. Sayang, ngayon pa naman sana balak ni Chelsea na pumunta sa bahay at mag dinner para mapakilala ko na siya kay mama kaso bigla siya nawala. Sayang talaga, kamusta kaya ang beshy ko? Bumili nalang kami ni mama ng ulam sa labas dahil gabi na rin at gutom na din kami. Oh diba kanino pa ba ako magmamana ng palaging gutom? Syempre kay mama hahaha kaya huwag na kayo magtaka. Tapos na kaming kumain ni mama at pina-akyat ko na siya sa kwarto niya para magpahinga at ako na ang magliligpit ng pinagkainan namin at maghuhugas. Don't touch me, I'm masipag charot. Alam ko naman kasing pagod na pagod si mama kahit pa sabihin niyang hindi, halata din kaya sa mata at mukha niya. Siguro kung nandito lang si papa, kung hindi niya lang kami iniwan at sumama sa iba hindi mag papakapagod si mama para sa aming dalawa. Tama na nga iyan Alexis! Iniwan na kayo ng papa mo. May iba na siyang pamilya, okay? Mas lalo mo lang siyang namimiss dahil sa ginagawa mo eh. Habang naghuhugas ako ng plato ay biglang sumagi sa isip ko ang hindi pagpasok ni Chelsea sa sumunod naming mga subjects. Ano kayang nangyari sa kaniya? Bakit bigla nalang siyang nawala? Nag-aalala tuloy ako para sa kaibigan ko. Kahit pa ngumiti siya kanina sa harapan ko alam kong malungkot siya. Nang matapos na akong magligpit ay agad na akong nag shower at saka inayos ang higaan ko. Manunuod pa sana ako ng k-drama o kaya mga movies nila papa Daniel Padilla pero bigla nalang akong dinalaw ng antok ko. Siguro dahil sa pagod at talaga namang nakaka pagod na naman ang araw na ito. Siguro hindi ko iindain ang pagod kung hindi lang ako iinisin nila Valerie at Ethan. Kulang nalang magsanib pwersa na sila. Good night universe, sweet dreams to us. — "Cringe. Bakit ba kasi ang lampa lampa ko? Ayan tuloy nabangga ko si Tristan." Malungkot na sambit ni Chelsea na nasa kanilang rooftop habang nakatingin sa tala at mabigat ang bawat pinapakawalang pag hinga. Kita ang lungkot at malalim na pag-iisip nito dahil sa nangyari kanina sa kanila ni Tristan. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya sa naging pwesto nila kanina o malulungkot dahil sa inasta ni Tristan sa kaniya. "Bakit ba ako ang nalulungkot dito? Hindi ko naman sinadyang banggain siya at inisin. Kasalanan ko bang bigla siyang dumaan? Eh di sana hindi niya nalang din ako sinalo kung ganoon lang din ang sasabihin niya." Inis na sambit nito at saka sinipa ang bakal na nasa gilid niya. "Aray! Oh ayan na naman para iyan lang nasasaktan kana, napaka lampa mo talaga Chelsea Chung naiinis ako sa iyo." Saka siya napakamot sa kaniyang ulo. "May kuto na ba ako? Joke." Napatawa naman siya dahil sa kaniyang tinuran. Mukhang nababaliw na siya hahaha. "Pero nakakainis talaga! Siguro kung ibang babae ang nawalan ng balanse sa harapan niya siguradong sasaluhin niya iyon kaya huwag mong lagyan ng malisya iyon self at for sure kung ibang babae iyon ngingitian niya at baka yayain niya pang mag date at hindi susungitan katulad ng ginawa niya sa akin. Ganoon ba ako hindi kaakit-akit sa kaniya tulad ng mga hinaharot niya sa school?" Napahawak naman siya sa kaniyang chin dahil sa nasa isip. "Ang unfair naman! Ganoon ba talaga siya kalandi? Nagbago na talaga siya, sobrang laki na ng pinagbago ng dati kong kaibigan." Hindi niya namalayan ang unti-unti pagtulo ng luha niya. Maya-maya ay may isang pamilyar na lalaki ang nakita ni Chelsea na nakatayo sa rooftop na katapat nila. Napalaki ang mata nito ng makitang si Tristan pala iyon kaya agad niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. Oo! Magkatapat lang sila ng bahay as in tapat talaga! Kaya nga iniiwasan niyang pumunta sa kanilang rooftop dahil alam niyang posibleng makita niya si Tristan ng ganoong sitwasyon at pwesto dahil alam ni Chelsea na doon sa rooftop din nila Tristan ang tamabayan nito. Kaya hindi niya din malaman kung anong pumasok sa isip niya at nawala iyon sa isip niya. Basta nalang din talaga siya dinala ng kaniyang mga paa kanina sa paborito niyang tambayan noon. Aalis na sana siya habang mukhang hindi pa siya napapansin ng binata ng mahulog nito ang hawak niyang diary. Mabilis niya itong pinulot at ng umangat ang tingin niya ay tila na-estatwa siya sa kaniyang kinatatayuan. Matalim siyang tinitignan ni Tristan dahilan para mapalunok siya at mataranta pero hindi niya ito pinahalata. "Anong gagawin ko? Paano na ito? Iiwas na lang ba ako ng tingin tapos tatakbo? Ayan kasi eh ang lampa lampa talaga, hawak ko na nga kasi nabitawan ko pa dahil sa kakamadali," bulong niya sa kaniyang sarili. Umakto nalang siyang hindi niya nakita si Tristan at pinatunog ang kaniyang cellphone at nagkunwaring may kausap sa telepono. "H-hello beh? Ahm nandito ako sa bahay, sa may rooftop. Ano? Saan tayo pupunta?" Pagkukunware nito at saka tumawa at unti-unting tumalikod. "Ah sige sige, I'll wait you nalang." Unti-unti siyang lumayo at dali-daling bumaba. Hindi niya na nilingon si Tristan at baka mag tama pa ang kanilang paningin. "Grabe, grabe talaga ang kaba ko doon. Buti nalang you're smart self. Smart ha not globe hehe." At saka niya hinawakan ang kaniyang dibdib dahil sa hingal at kaba. "Itutulog ko na nga lang ito, ang laki na ng eyebags ko eh. Mas malaki pa kaysa sa mata ko grrr." Pagkatapos niyang banggitin ito ay hinawakan niya pa ang kaniyang eyebags at saka na nag-ayos para mag-shower. "Makatulog sana ako nang maayos. Isa pa, kailangan maaga ako bukas para maabangan ko si Alex dahil bigla na lang akong umalis at hindi nagpa-alam sa kaniya dahil sa iniisip ko kanina huhu." Pagkatapos nitong mag shower ay itinago niya ang kaniyang minamahal na diary at saka na humiga sa kaniyang higaan. Dahan-dahan naman na siyang napapikit at nawala ang kaniyang buong hapon na iniisip na talaga namang nagpa-stress sa chinitang kaibigan ni Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD