The 3 hearthrobs
"Ayun! Naabutan natin sila Alex at may bakanteng upuan pa," hinihingal na sabi ni Chelsea sabay turo doon sa isang upuan na may tatlong lalaki na siya ring nakita kong pinagkakaguluhan kanina.
Ano bang meron sa kanila? Bakit pati si Chelsea mukhang adik sa tatlong ugok na iyon? Pero infairness ang cute nung lalaking may dimple na nakatutok sa kaniyang laptop.
"Ahm Chel, ano bang meron sa kanila? At sino ba sila?" walang kaalam-alam kong tanong rito.
"Omy G! Hindi mo sila kilala?" gulat na tanong niya pabalik.
"Syempre transferee nga ako dito di ba? Magtatanong ba ako sa iyo kung kilala ko sila di ba?" sagot ko na dahilan ng pagtawa niya.
"May pagkapilosopo ka pala bessy ah, pero sige ipapakilala ko sila sa iyo isa-isa dahil super duper ultra mega obvious na hindi ka man lang nag research tungkol sa amazing school na ito."
"Yung lalaking kumikindat-kindat sa mga babae, siya si Tristan Flores kilala siya bilang matinik sa girls at halos na kalandian na ang lahat ng babae dito sa campus pero para sa akin ang cute niya hehez at saka mabait, siya din ang grandson ng may-ari nitong school at sabi nila nanggaling daw itong name ng school dahil big fan ng bansang Spain ang lolo niya kahit wala silang lahing Espanyol, at yun namang nakatutok sa kaniyang laptop at may nakakaakit na dimple ay si Harvey Valerio. Kilala siya sa pagiging sweet at boyfriend material kaya naman maraming babae ang na f-fall sa kaniya, oh bakit ngumingiti-ngiti ka ryan? Bessy ah. And the last but never been the least si Ethan Carson, yung seryosong nakatingin sa cellphone niya, siya ang tila leader sa kanila, Siya ang CAMPUS CRUSH. Sobrang cold niya sa ibang tao at medyo harsh magsalita, pero makalaglag panty ang itsura, titig pa lang daw niya nakaka inlove na at higit sa lahat anak siya ng may-ari ng isang napakalaki at sikat na kompanya."
Napahanga naman ako sa mga tinuran ni Chelsea at bahagya akong na patingin sa tatlo at nagtama ang mata namin nung Ethan daw ang pangalan, agad akong nag-iwas ng tingin. Katakot talaga nang tigtig niya, akala mo naman may gagawin akong masama, saka hindi kaya nakakainlove, nakakakot nga eh.
"Oo nga pala nakalimutan kong sabihin na 'yang tatlong iyan ay kilala sa tawag na The 3 hearthrobs maski sa ibang campus, pinagkakaguluhan sila." dugtong niya.
"Oo nga pala Chelsea, sino din yung tatlong babae na ang ingay sa classroom kanina?"
"Ah sila ba? Yung tatlong akala mo ubod ng ganda at shiniship ang sarili sa The 3 Hearthrobs tch." sabay taas kilay nito.
"Yung maikli ang buhok si Rheavien Fuella, siya ang kanang kamay ni Valerie Marquez, dati mabait siya at kilala sa pagiging tahimik pero ewan ko ba, bigla na lang niyang naging kaibigan yung demonyitang Valerie at Claire na 'yon. Sunod naman, si Claire Riven siya yung kulot ang buhok, tapos yung utak niya bulok. Kilala siya dito bilang beauty without a brain kasi syempre alam mo na pero siya din ang pinaka materialistic sa kanila, kulang na lang bilhin na lahat ng nasa mall porke mayaman sila at ang huli naman, si Valerie Marquez siya yung napakaarte at sobrang fashionista sa kanila. Baliw na baliw kay Ethan Carson at tila leader din sa kanila.
"Ahh okay," matipid kong sagot at saka kumagat sa sandwich na binili ko.
"Nga pala Chel, kanina ko pa gustong tanungin ito eh, hehe. May lahi ka ba?" nahihiya kong tanong rito. Kanina pa kasi talaga ako na c-curious. Baka mamatay ako sa curiosity kong ito kapag hindi nasagot haha.
"Ah yun ba? Kaya ba tingin ka ng tingin sa mata ko? Hahaha pero oo may lahi ako. I'm half Filipina and tentententen! Half Chinese." tumatawa nitong sagot. Oh sige tawa ka pa Chel, wala ka nang mata pft.
Iinom na sana ako ng binili kong yakult nang bigla na lang may likidong tumapon sa ulo ko. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Chelsea kaya agad akong napatingin sa humahalakhak na nasa likuran ko at tumambad sa akin yung tatlong babae at ang isa sa kanila ay iyong nasagi ko.
P-potek? Seryoso ba ito? Yung tatlong maiingay na babae. Saka ang kapal naman ng mukhang tapunan ako, ikaw ba naglalaba ng damit ko ateng?
"Ano bang problema niyo?" tanong ko rito.
"That's because sa pagbangga mo sa akin at pag-alis mo ng basta-basta habang kinakausap pa kita." pagtataray ni Valerie ata 'yon.
"Huh? Nag sorry na nga ako di ba at hindi ko naman iyon sinasadya."
"Then? I don't care about your explanation bijj." sabay irap nito sa akin. Ay attitude ka bEh? Kalma self, don't waste your time on this napakaarteng babae porket maganda.
"K." Madiin kong sagot na dahilan para halos umusok na ang ilong niya at para bang kamatis na dahil sa asar. Abnormal ba ito? Anong nakakainis sa sagot ko? Nag okay na nga di ba?
Akmang hihigitin niya na ang buhok ko nang biglang mayroong humawak sa braso nito.
"Hey Val, nagsorry na pala si pretty girl eh at transferee siya dito kaya hindi pa niya tayo kilala," sambit nung Tristan sa kaniya at saka ako tinignan at nginitian. Sino ba sila para kilalanin ko pa? Ano bang pake ko? Nakakainis na ah.
Tumunog na muli ang bell kaya agad kong kinuha ang bag ko sa upuan.
"Salamat," mahinang sambit ko sa Tristan at saka ngumiti sa kaniya pabalik.
—
"Omy G! Salamat? Yun lang sinabi mo sa isang Tristan, bessy?!” halos mabaliw na tanong ni Chelsea.
"Eh anong gusto mong gawin ko? Lumuhod? Magpa-cute? Saka nakita mo ba yung tingin niya akala mo naman lalaplapin ako ng buhay sa sobrang pag papa cute niya," sagot ko rito. Totoo naman kasi, saka kahit hindi niya ako ipagtanggol, I can manage the fashionista war freak aba palaban din kaya ito! Lalo na at alam kong wala naman akong ginawang masama.
"Ewan ko sa'yo, kakaiba ka girl! Pagkatapos ko silang ipakilala wala ka pa ring pake, eh di ikaw na! Haha." sabay tapik nito sa balikat ko. Eh di ako na talaga haha, charot.
"Hmm kung hindi tumalab sa iyo si Tristan o kahit sino sa kanila baka naman kasi may boyfriend ka na," sabay dutdut pa nito sa tagiliran ko dahilan para makiliti ako.
"Ano ka ba? Alam mo parang boobs ko lang iyan eh–" naputol naman ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Chelsea.
"Wala ka naman nun Alex eh pft." Ahy, tawang tawa? Edi siya na may boobs at least bumawi naman ako sa pwet.
"Exactly! No boobs since birth. No boyfriend since birth too!" sagot ko rito dahilan para mas lalo siyang mapatawa.
"Tama na Chel hmpk, nawawalan ka na ng mata kakatawa mo oh, saka at least aminadong walang umaalog na pakwan sa akin," pagpapatawa ko rito.
"Oh tara baka malate pa tayo sa next sub natin, Math pa naman iyon," pag-aya ko rito. Nakita ko naman ang malawak niyang ngiti habang hawak ang schedule namin, masaya ba ito kasi mag kasama na naman kami? Enebe Chelsea.