000013xx Regret Kumabog yung dibdib ko. Kuya?! Keegan called Breeze Kuya. "M-magkapatid kayo?" nauutal kong tanong habang nagpapalit-palit yung tingin ko sa kanilang dalawa. Nagtataka yung itsura ni Breeze at naka-blanko yung mukha ni Keegan, "So you've met my brother, Thea? Kaya ba hindi ka sumasagot sa mga tawag ko? At itinatapon mo lahat ng bulaklak na ipinapadala ko sayo?" Ipinamulsa niya yung mga kamay nya at tumingin lang sa akin. He was wearing a black hoodie and nakapants sya. His hair's in the same style, magulo at mas nagmukha itong mas mahaba. Habang naka-boxers lang si Breeze at isa pang mukhang pugad ng ibon yung buhok. Kakagising lang nya at nakapikit pa yung isa nyang mata habang nakatingin sa akin. Napahawak ako sa dulo ng tshirt ko at mas lalong naguluhan, "Saguti

