000014xx Five weeks From: Hangin We have to talk some time. Yan yung huling text na natanggap ko sa kanya after nya akong hilahin palabas at ihatid pauwi sa condo unit ko. We have the same condominium place pero nasa katabi akong building – tower II. Hinatid nya ako mismo sa tapat ng unit ko. Naging tahimik lang yung byahe namin from Edsa Shangrila – awkward silence. Hindi ako mapakali dahil ramdam na ramdam ko yung presensya nya kahit na napakalawak naman nung Hummer nya. He was brooding and so intense at nakita kong mahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela. Laking pasalamat ko na lang talaga at hindi naging matraffic. Thank goodness nakisama ang kalsada. Gustung gusto nang magstretch ng mga paa ko nun at tumakbo. Naging mabigat ang Valentines Day ko dahil sa magkapatid nay un.

