" NAY, ano ang nangyari?" nag-alalang tanong ni Rhian ng maabutan ang ina sa sala hawak-hawak ang dibdib nito.
" Bahagya lang naninikip ang dibdib ko anak."
Ka agad niyang nilapitan ang ina." Dadalhin na kita sa hospital nay."
Umiling-iling ito." Wag na anak, mawawala rin ito."
" Hindi pwedi nay, baka mapaano ka pa." giit niya.
Pero matigas parin tumanggi ang kanyang ina." Bukas nay, pupunta tayo sa hospital." inalalayan niya ito papunta sa silid nito.
" Naku, anak kaya ko naman, sayang lang sa pera. Gagastos kapa kapag dadalhin mo ako sa hospital."
Napa-buntong hininga na lamang siya." Kung mayaman lang sana tayo nay, hindi sana tayo, mahihirapan ng ganito. At natapos ko rin sana ang pag-aaral ko." napabuntong hininga siya sa isipin iyon.
" Patawad anak." malungkot na sabi ng ina sa kanya.
" Naku, nay wala naman kayong kasalanan. Hindi mo naman ginusto ang magka sakit nay." mabilis niyang alo rito.
Dalawang pasukan nalang sana siya, ng mahospital ang ina. Kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral at pumasok ng trabaho bilang isang caregiver sa isang may kaedaran na babae. Ng makalabas ang ina sa hospital ay lumipat siya ng trabaho sa isang kainan hanggang sa mapasok siya kay Sebastian.
" Pero bukas nay, ipapa check up kita, wag kana tumanggi. Ang pera makikita pero ang buhay hindi na. At nag iisa lang kayo sa buhay ko kaya, gagawin ko ang lahat nay, gumaling lang kayo." masuyo niyang niyakap ang ina.
" Paano kung kinakailangan kong ma confine, saan ka naman kukuha ng pera pang bayad?"
" May trabaho naman ako nay, mag cash advance nalang ako kay sir Sebastian."
Napa kunot noo ang ina." Hindi ba iyon nakakahiya kay Sebastian? bago ka pa lang tas mag advance kana. Baka isipin nuon inabuso natin siya." nag alala sabi nito.
" Wag muna isipin iyan nay, pag tatrabahoan ko naman iyan."
Hindi na kumuntra ang kanyang ina sa sinabi niya, alam naman din nito hindi siya papayag na tatangihan nito.
DAHIL sa napaniginipan na naman ni Sebastian ang babaeng hindi niya nakikita ang mukha pero nakatalik niya palagi ay nahuli ito ng pasok sa opisina.
" Ilang beses na kitang napapaniginipan pero bakit ba hindi ko parin makita ang mukha mo." aniya, habang naglalakad papasok ng building.
" Sebastian, bakit tinanghali ka ngayon?" ka agad na tanong ni Charry ng makita siya nito sa hallway.
"Napasarap ang tulog ko." tugon niya at nagtutuloy sa pag lakad.
" Hindi kita nakita sa party, where did you go?" sumunod ito sa kanya.
" May pinuntahan lang ako." saglit niya itong nilingon" See you around Charry." at binilisan ang kanyang hakbang papasok sa kanyang opisina.
Napa kamot siya sa kanyang batok ng hindi makita ang dalaga sa mesa nito.
" Rhian, don't tell me, nag absent ka dahil heart broken ka."sa ka loob-looban niya.
Kinuha niya ang cellphone para tawagan ito. Naka ilang dial na siya pero out of coverage ito. " Sinasabi ko na nga ba. Hindi ka talaga seryuso sa trabaho mong babae ka!" naglakad siya papunta sa coffee area para mag timpla ng kape.
Naramdaman niyang bumukas ang pinto" Rhian, bakit kaba na late?" tanong niya ng hindi nilingon sa pumapasok
" Morning po sir." boses ng Janitor ang narinig niya.
Napalingon siya rito." Good morning din." dismayado sabi. Inakala niyang si Rhian ang pumasok.
Bitbit ang tasa ng kape bumalik siya sa kanyang office. Hindi pa siya tuluyan nakapasok nakita niya si Charry, papalapit sa kanya.
" Sebastian, may lakad ako mamayang hapon. Baka gusto mong sumama?" aya nito sa kanya ng malapitan siya nito.
" Pass muna ako, Rhian."
" Anong Rhian?" Napa kunot na tanong ni Charry sa kanya.
" I mean Charry, sorry." ka agad niyang bawi.
"Bakit ba Rhian ako ng Rhian?"
" Ano ang sabi mo? Nahawa kana ata sa assistant mo nagsasalita mag-isa." ani Charry sa kanya.
Naiiling siyang ngumingiti." Nakakahawa ang sakit ng babaeng iyon. Sige, Charry may gagawin pa ako." aniya, at pumasok ng opisina.
Umupo siya sa kanyang upuan at napaiiling habang naka tingin sa upuan ng dalaga." Saan kaba kasi nagpunta? Hindi ka man lang nagpapaalam."
Napatingala siya sa kawalan. Biglang pumasok sa isipan niya ang babae, nakatalik niya sa panaginip. " Kung makilala lang kita hindi na kita papakawalan pa." nilalaro niya sa isipan ang mga eksina nagaganap sa loob ng kanyang panaginip.
Palabas siya ng banyo ng makita ang babae naglalakad palapit sa kanya. Naka sout ito ng manipis na nightie bakat na bakat ang maumbok nitong dibdib. Napa lunok laway siya, at bumaba ang kanyang tingin sa pang ibabang bahagi nito. Pakiramdam niya matutuyo ang lalamunan niya sa kakalunok ng laway dahil wala itong sout na pang ilalim.
" Pwedi ba kitang samahan?" tanong nito sa malambing na boses ng tuluyan itong makalapit sa kanya.
Napa ngiti siya sa tanong nito " Yes." aniya, sa malamyos na tinig.
Humawak ang babae sa balikat nito akmang tanggalin ang sout nitong nightie at mabilis niyang pinigilan ang mga kamay nito. Hinawakan niya sa magka bilaang balikat ang babae. Napa tingin siya sa mga labi nito na tila ba nang anyaya sa kanya na hahalikan. Naipikit niya ang kanyang mga mata at inunguso ang kanyang mga labi para halikan ito.
" S-Sebastian." anas ng babae.
Lalo niyang inilapit ang mga labi palapit rito. Ilang dangkal nalang ang layo ng kanilang mga labi at mahahagkan na niya ito.
" Sir, Sebastian, gising!" pinitik ni Rhian ang kamay sa mukha nito.
Naidilat niya ang kanyang mga mata." A-ano ang nangyari?" balisang tanong niya.
Tumayo ng tuwid si Rhian nanatili parin naka tayo sa harapan niya. " Wala, naka nguso lang po ang mga labi mo sa ere." natatawa nitong sabi.
Bigla siyang nakaramdam ng hiya ng maalala ang ginawa niya sa kanyang isipan. Hindi niya lubos maisip kung ano ang hitsura niya.
" Bakit ngayon ka lang?" Pa galit niyang tanong.
" Kasi po sir, dinala ko si nanay sa hospital."
" Ang nanay mo? Or wala kang ganang pumasok dahil heart broken ka?"
napa kamot ng ulo ang dalaga." Sir, hindi ko po magagawang idahilan ang nanay ko sa pagiging late. Kaya nga rin po ako nagpunta dito para po mag advance sana eh. Kasi need po ni nanay ng mga gamot sir. Wala po akong pera pambili."
Kumalma siya sa sinabi nito. Alam niya may sakit ang ina nito. " Mag kaano ba ang kailangan mo?"
" Mga limang libo lang po sir, para maibili ko siya ng gamot ngayon."
Kumuha siya ng pera mula sa kanyang pitaka at inabot rito.
" Sir, bibili lang po muna ako ng gamot at babalik po ako agad rito. Need lang po talaga ni nanay ang gamot ngayon." paalam nito sa kanya.
" Bumalik ka agad." bilin niya rito ng tumalikod na ito.
Tanging tango lang ang naging tugon nito at nagmamadali ng lumabas.
Napa tingin siya sa gilid ng kanyang mesa at nakita ang regalo. Hindi parin niya ito na buksan. Inabot niya ito at tinanggal ang pambalot.
Napa hagalpak siya ng tawa ng lumantad sa kanyang harapan ang panty. Kinuha pa niya ang iba. Limang t-back na ibat ibang kulay ang nakita niya at umagaw pansin sa kanya ang naka tupi na itim na panty at may terno bra iyon. Kinuha niya at binuklat, lalo napa hagalpak ng tawa ng makita ang desenyo, may butas ito sa gitna.
" Kung may panty na pang sexy, ito ay panty din ng mga tamad mag hubad." natatawa niyang sabi at sinabayan ng pag-iling iling. Binuklat buklat niya iyon ng ilang beses. " Paano kaya ito sosoutin? Kapag naiihi ilabas lang dito sa gitna? Ayos din ah!" Natatawa parin niyang sabi.
sumeryuso ang kanyang mukha" Ano ba ang tingin ni Rhian sa'kin bakla para mag sout ako ng ganito?" hawak hawak parin niya ang panty ng bigla bumukas ang pintuan at iniluwa si Rhian.
" Kumatok ka naman." aniya, mabilis ipinasok sa bulsa sa sout niyang Jacket ang hawak niya at mabilis niligpit ang iba pa.
" Ako itong binigyan ng regalo ako pa itong nahihiya sa nagbigay." anas niya.
" Ano po ang sabi niyo sir?" tanong ng dalaga ng hindi nito marinig ang sinasabi niya.
Naiiling siya" Nahahawa na ako sa'yo Rhian."
Natawa na lamang ang dalaga sa kanyang sinasabi.
" Bilis mo namang naka balik?" pag-iba niya sa paksa nila.
" Nasa labas po kasi ang kapit bahay namin sir naka motor bike po, kaya pinahatid kuna sa kanya ang gamot." umupo ito sa upuan nito.
" Kapit bahay nga ba oh si Albert?"
" Ano po sir?" ulit ng dalaga.
Umiling-iling siya." Ano ba ang nangyayari sa akin, ngayon araw na ito?" naguguluhan tanong sasarili.