The woman in my dream Episode 12

1429 Words
DAHIL na late si Rhian ng pasok, ka agad niyang itinuon ang attention sa papael na nilapag kanina ng secretary sa mesa niya. Nabasa niya ang naka sulat roon na makikipag kita si mr Vasquez sa amo, mamayang alas singko ng hapon. Nilingon niya ito para sabihin rito ang nabasa. " Hahhaha!" Humagalpak ito ng tawa ng magka salubong ang kanilang mga mata. Napa kunot-noo siya" Hahahhaa." nakakiki-sabay siya ng tawa rito kahit hindi niya alam kung ano ang pinag-tatawanan ng amo. " Ano po ang nakakatawa sir?" tanong niya ng hindi ito tumitigil sa kakatawa. Maluha luha na ito pero hindi parin ito ma awat. Kinuha niya ang maliit na salamin mula sa kanyang bag. Sinuri ang mukha baka may dumi siya kaya pinagtatawanan siya nito. " I'm sorry, hahhaha" patuloy nito, habang pinahid ang nagluluhang mata. Naiirita na siya sa ginagawa nito. Napa simangot siyang tumayo at lumapit sa mesa nito. " Ano po ba ang nakakatawa sa hitsura ko, ha?" naiinis niyang tanong. " W-wala wala." anito natatawa parin. Napa tingin siya sa regalo nasa gilid nito bahagya natakpan ng nakabukas na laptop. Katabi nito ang pambalot. Sumagi sa isipan niya na kaya siya pinagtatawanan nito dahil sa regalo niyang tasa, porket ba mumurahin lang iyon? " Kaya kaba natatawa dahil sa regalo ko mumurahin? pasensiya kana dahil iyon lang kaya ko. Hayaan mo pag yumaman ako, bibili ako ng mamahalin regalo." sarcastik niyang sabi rito. Winawagay-way nito ang kamay, hindi parin matigil." Hindi naman ganu'n" anito natatawa parin. Hindi na siya makatagal sa ganong ayos, pakiramdam niya naiinsulto na siya sa ginagawa nito. Kinakailangan na niyang maka-alis sa harapan nito baka hindi siya makapag timpi at makalimutan niyang amo ito at masapok pa niya ito sa ulo. " Oh, ayan ang papel basahin mo." naiirita niyang nilapag ang hawak na papel sa harapan nito at nag martsa palabas ng opisina. Wala na siyang pakialam kung tatangalin siya nito. Basta ayaw na ayaw niyang pinagtatawanan siya. " Lalaking iyon, minamaliit niya ba ako? bakit dahil mahirap ako? Luko pala 'yon sana hindi nalang ako nagbigay kung mamaliitin niya lang pala." bulong niya sasarili tinungo ang elevator. " Porket ba mayaman siya? kaya pwedi na niya pagtawanan ang pagka tao ko?" tumigil siya sa paglakad at yumuko para tignan ang sarili. Saka muling naglakad papasok sa kakabukas lang na elevator. Pipindutin na niya sana ang button, ng biglang pumasok ang binata, tinapunan niya ito ng masamang tingin. " Kapag yumaman ako, who you ka sa 'kin." hindi niya napigil sabihin rito sa subrang galit naramdaman niya. Lalo lang itong natawa " I'm sorry. Kapag galit ka, galit lang pero wag naman akong kakalimutan." pang aasar nito sa kanya. Lalabas nalang sana siya, pero bigla nitong hinarang ang katawan. Napa singhap siya ng maamoy ang pabango nito. Napatitig siya sa mukha nito tila ba na hypnotize siya rito. " Sh*t bakit ba ang gwapo nito kahit magkalapit na ang mukha namin." sa kaloob-looban niya. " Ahem" tikhim nito nagpabalik sa kanya ulirat. Kumilos siya para ilayo ang sarili mula rito. Accidentally natabig ng kamay niya ang hawak nitong box at nalaglag ang laman nito. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga t-back nasa sahig. Hindi siya nagkakamali iyon ang binili niya para kay Totsie. Nu'n sumagi sa isipan niya ito ang pinagtatawanan nito kanina. " Bakit nasa sa'yo iyan?" balisang tanong niya. " Ikaw ang nagbigay nito sa'kin." tugon nitong pinulot ang nalaglag. Natigilan siya, " Kahit anong mangyayari wag ka umamin sa kahihiyan Rhian" paalala niya sa sarili., dahil walang katumbas ang kahihiyan niyon. . " Hindi ah! Iba iyon binigay ko sa'yo. Iba iyon iniwan ko sa mesa mo." tanggi niya. Tinignan siya nito na may halong pagdududa. " Bakit naman kita bibigyan ng ganyan?" aniya, naiilang sa titig nito. " Aba'y iwan ko sa'yo!" naka ngiti nitong sabi. " Sinabi ng hindi nga sa'kin galing iyan eh." pinanindigan niya parin ang kasinungalingan niya. " Kung hindi ikaw, bakit ka namumula?" naka ngiti nitong tanong. " Wala, basta hindi galing sa akin 'yan" giit niya. Pinasok nito ang kamay sa bulsa ng pantalon may hinugot mula roon. " Ayan oh, card, diba pangalan mo Rhian? Oh di sayo talaga galing ito." Hiyang hiya na siya ng makita ang hawak nitong card naka sulat ang pangalan niya hindi na siya makatanggi pa. Pinindot niya ang button para lumabas, gusto na niyang mawala sa harapan nito sa subrang pagkahiya. " Pag minamalas talaga!" bulalas niya ng hindi bumukas ang elevator. " Ayaw bumukas." aniya, nilingon ang binata na nuon naka ngiting nakatingin sa kanya. " Ano ba nginingiti mo riyan?" ilang na ilang na siya sa mga titig nito sa kanya. " Bakit, kaba aligaga riyan?" anito natatawa parin, pinindot ang button pero hindi parin ito bumukas. " Ano na ang gagawin natin?" nag papanic niyang tanong. " Sandali tatawag ako ng tulong." kinapa nito ang bulsa. " Wala sa akin ang cellphone naiwan ko sa opisina." pinindor nito ang alarm button. Nagpalakad-lakad siya sa loob ng elevator hindi alam ang gagawin. Ilang minuto na sila sa loob pero hindi parin ito bumukas. " Nahihilo na ako sayo, Rhian." angal nitong umupo sa sahig. " Paano po tayo, makakalabas rito sir?" " May tutulong din sa'tin. Relax mo lang sarili mo." Nag-umpisa na siyang makaramdam ng init kaya, hinubad niya ang sout na blazer. Lumitaw ang mapuputi niyang balikat. Itinaas niya ang kanyang maitim na buhok at pinag buhol niya ito sa likod ng kanyang ulo. Hindi niya napansin ang pag titig ni Sebastian sa kanya. " Ang ganda ng leeg mo ang kinis-kinis."mahinang sabi nito pero abot sa taenga niya. " Mamatay na nga tayo, leeg ko parin ang nakikita mo." Napa ngiti ito sa sinabi niya." Okay, lang mamatay basta magka sama tayo." " Ano ang sabi mo?" ulit niya. " Umupo ka muna para hindi mangawit ang mga paa mo." sabi nito sa mahinang boses. Inirapan niya ito," Kung hindi ka lang sumunod sa'kin hindi siguro sana tayo, ma stock rito." sisi niya. Tumayo ito, at akma lumapit sa kanya ng bigla gumalaw ang elevator, muntikan siyang natumba kaya mabilis siyang nahila nito at napayakap siya rito. Nagkatitigan silang dalawa sa isat-isa. " You look beautiful." mahinang sabi nito lumamlam ang mga mata nakatitig sa kanya. Gusto niyang kumiwala mula sa pagkakahawak rito, pero ayaw sumang-ayon ng katawan niya. Nag kusang pumikit ang kanyang mga mata ng dahan-dahan nitong inilapit ang mga labi nito sa labi niya. " Mamatay nalang kayo, landi parin ang ginagawa niyo?" galit na boses ni Charry ang nagpa balik sa kanyang katinuan. Nahihiya siyang kumalas sa amo. At tahimik na lumabas ng elevator. " Sinasabi kuna nga ba eh, nilalandi mo si Sebastian." ani, Charry sumusunod sa kanya. Nilingon niya ito." Hindi ah! Muntikan akong matumba at nasalo niya ako. Kaya ganu'n ang ayos namin ng maabutan mo." paliwanag niya. " Nagpapalusot kapa." anito, hindi siya nilubayan. " Bahala ka kung ayaw mong maniwala." anas niya. " Ano ang sabi mo?" ulit nito ng hindi marinig ang sinasabi niya. " Wala po." " Hoy, Rhian ha! , magkaliwanagan tayo." anitong hinawakan siya sa siko. " Hindi ang gaya mo ang magustohan ni Sebastian." anito sa kanya. Nagpantig ang kanyang taenga sa sinabi nito." Ma'am hindi ko po pinangarap na magustohan ako ni sir. Dahil alam ko kung saan ako lulugar." " Mabuti naman at alam mo. Dahil kagaya ko na mayaman ang bagay sa kanya." Natigilan siya sa sinabi nito, " Paano si Albert?" sa kaloob looban niya. " Ilan boyfriend po ba ang gusto mo? Restaurant po ba kayo? para maging bukas kayo sa lahat ng gusto kumain sa'yo?" gusto niyang itanong pero pinigilan niya ang sarili. " Okay po, excuse me lang po at lalandiin ko pa si sir." tinalikuran niya ito. " Ano ang sabi mo?" Huminto siya sa paglakad at nilingon niya ito." Sabi ko po mag templa lang po ako ng kape ng mahimasmasan po kayo." " Excuse me?" pinandilatan siya nito ng mata. " Este tayo po pala mahimasmasan tayo sa takot sa pagka stocked namin sa elevator." pang aasar niya rito at tuluyan na niya itong iniwan. Napangiti siya habang nagtetimpla ng kape. Hindi ma alis-alis sa isipan niya ang eksina kanina sa elevator. Amoy na amoy pa niya ang pabangong ginamit ni Sebastian. Biglang may bumangon kakaiba sa isang bahagi ng puso niya na hindi matukoy kung ano iyon. "Sana hindi nalang bumukas ang elevator." naka ngiti niyang sabi at naglakad pabalik sa opisina bitbit ang dalawang tasa ng kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD