BEAUTIFUL NIGHTMARE KANABATA 30 PAGTATAGPO Mag-uumaga na nang makatulog si Randall. Medyo tinatamad pa siyang bumangon, kaya nanatili muna siyang nakahiga sa kanyang kama. Napangiti siya nang maalala niya ang itinago niya sa ilalim ng kanyang unan. Kinapa niya ito at lumuwag ang pagkakangiti ng kanyang labi nang hilahin niya ito. Bumaba na siya ng kama at lumapit siya sa kanyang kabinet at inilagay niya ang hawak niyang maliit na tela sa loob nito. Tumungo na siya sa kanyang banyo saka na naligo. Dali-dali niyang tinapos ang pagliligo at nagbihis na siya. Pagkabihis niya ay bumaba na siya ng mansion at nagtungo sa may tabi ng swimming pool at nandoon ang kanyang ama’t ina, na nakaupo sa may garden chair and table at may almusal na nakahanda. “Good morning, Dad, Mom.” sabay lapit at ha

