BEAUTIFUL NIGHTMARE KANABATA 31 BALAK Habang nasa biyahe ang mag-amang sina Don Ramil at Randall, naisip ni Randall ang naging buhay niya bilang independent at sa ibang bansa pa. Naalala niya na puro trabaho lang siya doon, binibisita ang ilang store nila sa iba't-ibang panig ng UAE. Nung una akala niya ay hindi niya ay hindi niya makakaya ngunit nakaya niya ang lahat. Nagkaroon ng branches ang TWIN GOLD JEWELRY at nakilala ito sa mga solidong ginto, diamante at maging sa iba’t-ibang bato na totoo namang nakakamangha. Ngunit parang kulang pa iyon sa kanyang ama. Kahit malimit siyang bisitahin ng kanyang ama sa ibang bansa ay ang TWIN GOLD ang lagi nitong kinakamusta. Ngunit dahil mahal niya ang kanyang mga magulang ay nagtiis siya. Trabaho, bahay ang naging routine niya kahit na m

