CHAPTER 18

1058 Words
  Masyadong madaldal si Ava at hindi ko na namamalayang nagiging panatag na ang kalooban ko sa kaniya at nakuwento na rin ang ibang detalye ng buhay ko. Masyado ng nagiging mahaba ang usapan, kailangan na niyang umuwi. Habang na sa sasakyan, dahan-dahan akong naglagay ng gamot pampatulog upang hindi makita ni Ava ang direksyon na aming daraanan. Bakit gano’n unang beses pa lamang naming magkita ngunit ganito na ang pakiramdam ko? Ayaw ko na mahiwalay pa siya sa akin. Sa lahat ng taong nakilala ko, si Ava lang ang kayang umintindi sa akin dahil walang pinagkaiba ang sitwasyon naming dalawa. Pagkahatid ko sa bahay nila, nandito si Damon. Diretso ang tingin sa amin. Hindi ko sinabi kay Ava ang bagay na iyon hanggang sa makapasok na siya ng bahay. Tumunog ang phone ko, isang text mula kay Damon. “We need to talk.”  Pagtingin ko sa lugar kung saan ko siya nakita ay wala na doon. Pinaandar ko na ang sasakyan para pumunta sa monstrous site at naghihintay na ang aking kapatid.   “ANONG balak mo?” panimulang bati ni Damon pagkapasok ko sa kwarto. Ngumiti ako sa kaniya na parang may kakaibang iniisip. “I don’t have plan,” sambit ko at tumingin sa kaniya. “As of now,” dagdag ko. Walang pinagbago ang seryoso at nais pumatay na kaniyang imahe. Madilim at puno ng pagkagalit, iyan ang nakikita ko ngayon sa aking kapatid. Tumayo ito at humarap sa akin. Ang nagliliyab niyang mga tingin ay hindi nagbago. “Don’t you dare to touch her!” Lumapit naman ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa. “What if I want?” Hindi na nagdalawang-isip pa si Damon na sunggaban ako. “Stop being childish. Alam mo ang kaya kong gawin, sana mag-ingat ka,” babala nito. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Natatakot ka bang mangyari sa’yo yung ginawa mong pang-aagaw sa babaeng mahal ni Azrael, o natatakot kang mamatay si Ava dahil sa’yo?” tanong ko. Binitawan na niya ako at ang kaninang namumula na mukha ay unti-unti na kumalma. “Let her go,” ma-awtoridad nitong pag-uutos kaya’t napatawa ako sa inasta niya. Hindi na ako nakasagot pa dahil sa pagdating ni Papa. Tulad ng inaasahan, si Damon lang ang pinunta niya para sa isang transaksyong hindi ako kasama.   MAY NAGING pag-uusap kami ngayon ni Ava na lalabas. Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant ngunit ayaw naman niya, mas gusto nito sa isang karinderya. Dito ko siya mas nakilala. Maraming bata ang naging masaya noong makita si Ava. Maraming kwento ang madre tungkol sa kaniya at sa bagay na ‘yon, aaminin kong lubos niya akong napahanga. Alam kong darating ang araw na kailangan humarap ni Ava sa parusang hindi niya kasalanan. Pinagsisisihan kong hinayaan ko siya pumasok sa site at magpakilala bilang si Mortem. Hindi ko siya kilala, ang tanging plano ko lang ay takutin sina Azrael at Damon na itigil ang kahibangan dahil ang pag-ibig nila ang sisira sa samahang pinaghirapan naming buoin. Ngayon ay pakiramdam kong hindi dapat maranasan ni Ava ang pahirap sa loob ng dark monstrous. Walang kahit sino ang nakakaalam kung ano maaaring ipataw na laro para kay Ava. Oo, isang laro na pipilitin siyang patayin. Maging ang mga superior ay walang magagawa dahil ito ang gagawing leksyon bilang pinunong sumuway sa sariling batas. Habang pinagmamasdan ko siya ngayon, nasasaktan ako para sa kaniya. Ang ngiti ng isang babaeng inalipin imbis na ituring na prinsesa, hindi siya karapat-dapat na maparusahan. Natapos ang isang buong araw. May ngiti man sa labi ay tila kulang pa rin ang araw na iyon. Hindi ako puwedeng makaramdam ng pag-ibig, hindi pwede lalo na sa babeng magdudulot ng malaking gulo sa buhay ko. Matagal na naisara ang puso ko simula noong mamatay si Mara, ang babaeng naging parte ng masalimuot kong nakaraan dahil tulad ni Ava, si Mara ay napasok sa dark monstrous at hindi na nakalabas pa ng buhay. Ilang laro ng pagpatay ang ginawa sa kaniya. Ang una, kailangan ni Mara tapusin ang buhay ng lalaking nasa harap niya ngunit hindi nito nagawa. Ang sabi ng mga nasa loob ng dark monstrous kay Mara ay inosente ang lalaki upang makonsensiya pa ito lalo ngunit ang totoo, ang lalaking nasa harap niya ay marami na nabiktimang mga babae para ibenta at magbigay-aliw ng sapilitan. Sa unang pagsubok kay Mara, nabigo siya. Sa ikalawang pagkakataon naman ay tiisin ang gutom sa loob ng isang linggo at tanging isang baso lang tubig ang pwedeng inumin na walang pagkain. Sa bagay na ‘yon ay nagtagumpay siya kahit pa nanghihina. At yung huli, ang inaabangan ng lahat. Maging ang aking ama ay tila matutuwa sa magaganap sa pagitan namin ni Mara. Oo, sa isang kwarto, isa lamang ang maaaring makalabas ng buhay. Iyak siya nang iyak. Wala akong magawa para pawiin ang sakit sa puso niya. Paulit-ulit niyang sinisisi ang pangalan ko pero nagawa pa rin niyang piliing iligtas ako kapalit ng buhay niya. Sa harap ng lahat, ang hawak na punyal ay isinaksak niya sa sarili. Ang huling salitang sinabi niya bago tuluyang pumikit ay yung ‘Mahal kita’  kasabay ng matamis na ngiti. Halos gumuho ang mundo ko sa mga oras na iyon. Si Mara na lang ang mayroon ako, siya na lang at ngayon ay wala na. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. “Gabriel?” muling kalabit sa akin ni Azrael. Hindi ko napansing kanina pa pala niya ako tinatawag dahil sa lalim ng iniisip ko. “May problema ba?” tanong niya at umupo sa tabi ko. “Azra, do you still love her?” balik ko sa naging tanong niya at agad naman niyang nakuha kung ano ang ibig kong sabihin. “Few years passed but still, yes,” diretso nitong sagot. Nakikita ko sa kaniya yung sarili ko noong mga panahong nababaliw ako kakaisip kung paano maililigtas si Mara. “Don’t be stupid, Azrael. It will lead you to death. Alam mo ang mangyayari,” paalala ko sa kaniya. “I will accept my punishment because I deserve it but…” putol niya at kumuha ng alak sa lamesa para magsalin. “I won’t accept that she will die because of me,” dagdag nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD